chapter 27-29 Love conquers all

437 7 0
                                    

Chapter no. 27

-“ano nalunod ka kuya?!!! Ikaw kasi  ayaw mong makinig sa akin.. ayan napapala mo...”

-“tumigil ka nga Gwen.. mamamatay ka muna bago mo mapatay si Sarah”

-“eh paano naman ako mamamatay, patay na ako. Eh si Sarah buhay pa kaya siya ang mauuna sa aming dalawa.. hihihhihihihihihihii”

-“di mo siya makukuha Gwen”

-“Tingnan na lang natin ang galing mo kuya Harry... akin na iyang magic wand mo”

Nag-aaway kami ni Gwen sa sikretong palasyo ng aming mga magulang sa mundong aming sinilangan. Kailangan ko siyang matamaan kung hindi, mapapatay niya ako. Hindi ako makapaniwala na kayang gawin sa akin ito ng sarili kong kapatid. Masyado siyang naging gahaman sa kapangyarihan.

SSSSSSSSSWWWWWWWWWIIIIIIIIIIIIIISSSSSSSSSSHHHHHHHHHHHH............

Natamaan ako ng kulay pulang kapangyarihang niya. Natumba at halos din a makagalaw. Wala siyang kasing samang kapatid.

-“ano kuya Harry, kakayanin mo pa?”

Pinalulutang niya ako sa ere hanggang sa binaba niya abg magic wand niya at tumama ako sa matigas na pader n gaming palasyo.  Agad siyang lumutang papalapit sa akin na parang hangin. Sinakal ako hanggang sa hindi ako makahinga.  Pinosasan niya ang kamay ko ng hindi ordinaryong panali. Ang taling nagliliwanag at kahit kailan ay hindi matatanggal ng nagsusuot nito. Tanging ang nagtal lang sa kanya  ang makakapagpawala rito. Hinang-hina na ako.. madami na akong tama sa katawan. Mga pasa at sugat na dala ng daplis ng kapangyarihan ni Gwen.

-“Hindi ganito ang gusto ng mga magulang natin Gwen”

-“kuya, ang tagal mong hindi nagawa ang misyon mo. Inabot tayo ng tatlong taon para hanapin si Sarah pero ngayong nandyan na siya, di mo pa tinuluyan kahit nararamdaman mo namang may gusto siya sa iyo.. nang dahil sa kanya, namatay sila mama at papa. At ng dahil sa’yo namatay ako.. kasalanan mo ito kuya.. kasalanan mo”

-“Gwen, kaya naman nating ibalik ang mundo natin sa dati nitong ayos kung magtutulungan tayong magkapatid”

-“pero iyon ang nakasaad sa propesiya kaya wala ka ng magagawa. Hihihihihihihi”

-“wag na wag kang magkakamaling saktan si Sarah!!!!!”

-“huli na ang lahat kuya, papatayin ko siya habang may pagtingin pa rin siya sa iyo”

-“hahahahaha... sana nabasa mo ang sulat na binigay niya sa akin. yung sulat na nagsasabing hindi na niya ako mahal.”

-“aalamin ko kung totoo nga iyon kuya. Aalamin ko...oo nga pala, may sorpresa ako sa’yo kuya Harry... hihihihhihii”

May bitbit-bitbit ang dalawang  alagad ni Gwen na isang babaeng mahaba ang buhok na tumatakip sa mukha nito.

"The Wizard and I"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon