Chapter no. 8
Nasa mall ako kasama ang maliit na batang kapatid ni Harry na si Gwen.Terno pa kami ng damit, parehong naka-pink na blouse. Namamasyal kami habang ang kuya niya ay naiwan sa bahay dahil ayaw na ayaw niyang nagpupunta sa mall lalo na kapag ang kasama ay mga babae. Ganyan naman talaga kasi ang mga lalaki ngayon, nabobore magshopping.
Sa totoo lang, bumibili ako ng mga materyales na gagamitin namin sa pagdedecorate ng bahay nila sa kunwariang monthsary namin mamaya. Maraming pupunta kasama sila David at Mayette. Maraming tao ngayon sa mall dahil sabado walang pasok ang mga empleyado ng gobyerno. Kahit nakakasawa sa lugar na iyon, meron pa rin akong kasama na tuwang-tuwa sa pamamasyal kaya nahawa na rin ako, parang bumalik ulit ako sa pagkabata. Marami na akong bitbit na shopping bags, at ang pinakamatakaw sa space ay yung dollhouse na pinabili ni Gwen. Bakit pa kasi walang katulong nila ang sumama sa amin.
Napansin kong may tinitingnan si Gwen sa toy store. Isang laruang manika ang naka-display sa loob ng salamin. TIngin ko gusto niyang bilhin yung manika.
Lumapit ako sa kanya at pumasok kami sa store.Binaba ko ang mga pinamili sandali sa luggage area, at naglibot na kami sa loob.
-“Gwen, saan ka pupunta hintayin mo ako”
Hinahatak na ni Gwen ang kamay ko sa sobra niyang excitement. Feeling ko, first time lang nito nakapunta mall eh. Kaya pagbibigyan ko na siya ngayong gawin lahat ng gusto niya.
-“ate Sarah, ang bagal mo naman eh..”
-“teka lang po di ba? Ang dami dami kong dala dito.”
Pagkatapos kong ibaba lahat ng gamit, ay hinawakan ko na ang kamay ni Gwen at naglibot kami. Kaagad niyang pinakita sa akin yung manikang nakita niya kanina sa labas ng store.
-“ate, ate gusto ko nun”
Kinuha ko yung manika
-“ah, eto ba?”
-“yes, ate Sarah”
-“teka lang ha, bayaran muna natin”
Ng tingnan ko ang price ng manika, walang nakalagay. Kinuha ko yung isa na katulad din ng manikang iyon, nakita kong 300 ang price. Saktong nagbigay naman sa akin si Harry ng 1000 para sa mga gustong bilhin ni Gwen kaya, kaya ko pa namang bayaran yung manika.
Kinuha na kaagad sa akin ni Gwen ang manika na kanina niya pa gustong iuwi.
-“Gwen, akin na muna iyan at babayaran natin”
-“ba...kit? wala namang price ah?”
Tinago niya ang manika sa kanyang likuran.
-“gwen... akin na yan. Bibilhin na natin siya, para sa iyo na talaga, kagaya ng dollhouse mo”
Nagtagal pa sa kanya ang manika at hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa akin at nakatayo na parang istatwa. Pero hindi rin nagtagal, ay dahan-dahan niyang inabot sa kin ang manika. Siguro, talagang gustong-gusto niya ng manikang iyon.
-“ate Sarah..., take care of her. She is in danger”
Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan
-“I will, little princess”
Marunong din palang mag-english itong si Gwen. Laki kasi sa states kaya ang cute, cute. Pumila kami sa counter at nagbayad.
-“Miss, saan niyo po nakuha itong manika?” tanong ng cashier
-“bakit niyo po tinatanong? May problema ba?”
naiinis kong tanong dahil malamang naman dito ko lang iyon nakuha
BINABASA MO ANG
"The Wizard and I"
Novela JuvenilHow if bata ka pa lang ay naniniwala ka na sa fictional characters? Naniniwala ka na may iba pang mundo bukod sa mundo ng mga tao. Then one day, May nakilala kang wizard through internet. Magiging friend mo siya, kaklase sa school, at magvovolunteer...