Chapter 14

3.3K 95 0
                                    

Condo

"Welcome home!!!" Pambungad ni bakla pagkabukas ko pa lang ng pinto.

Nginitian ko lang siya sabay lagpas sa kaniya. Pagka-discharge ko kasi sa hospital umuwi muna ako sa amin and nagstay ng 2 days doon. Wala lang, na miss ko lang sina Kuya Jake and kuya Chris.

"Bakla, may pagkain ba?" Tanong ko sa kaniya matapos kong inilapag ang back pack ko.

"Ahh...yup! Of course meron suss!! Ako pa?" Sabi niya sabay hablot ng kamay ko at hinila ako papuntang kitchen.

Iniwan niya ako dun sa counter habang siya kumuha ng bowl and naglagay ng ulam doon. At nung natapos na ay lumapit siya sa'kin dala-dala yung bowl.

"Tanann!! Adobong manok" sabi niya sabay sandok nun at nilapit sa bibig ko.

"Have a taste" naguguluhang sinunod ko ang gusto niya and...boom! Sarap!

"Masarap ba? Specialty ko yan! Wait lang kukunan kita ng rice...ahh! Anong gusto mo? Unli rice?" Nginitian ko lang siya kaya nagpatuloy siya sa gagawin niya.

ANG WEIRD NIYA! Ano kayang weird sa kaniya? Bakla tone naman siya, but...para saan yung...yung ngiti-ngiti niya? Yung sweetness and etc?! What the fudge! ANYARE?! PAKI-EXPLAIN!

Bumalik siyang nakangiti dala ang rice bowl at inilapag sa harap ko.

"Kain na" sinuri ko ang kabuuan ng mga ngiti niya but...urghh!! Normal naman! Pero bakit ang WEIRD NIYA?!

"Gusto mo subuan kita?" Napatikhim ako sa sinabi niya.

"Alam mo ang oa mo, para saan ang mga to? Nagsususpetya na ako sayo ah! Uy bakla! Tandaan mo kagagaling ko pa lang sa hospital kay----ump!" Pakshet malutong! Subuan ba daw ako?!

"Grabeh ka naman babaeta ka, di ba pwedeng nagiging sweet lang ako kasi gusto kita" Automatikong bumilog ang mga mata ko, HANU DAW?!

"Gusto kitang maging kaibigan...hahaha 'noh ka ba...geh! Bahala ka na nga lang diyan kung ayaw mo tss" then iniwan niya ako.

Buffering...

Loading...

Error!!

Ano daw?! Di ko siya ma gets! Ay ewan ko sa kaniya!

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon