Chapter 38

2.8K 95 7
                                    

George’s POV

“Drake ayos naman ako ah, bakit kailangan mo pa akong pagsilbihan?” ang weird na ni Drake after nung makauwi kami galing sa Tagaytay.

“Tss! Pasalamat ka tinuturing kitang prinsesa sa sarili kong condo kaya ‘wag ka nang mag-inarte diyan!” naghuhugas siya ngayon ng pinggan habang ako nakakunot noo na tinitigan ang sexy back niya.

Pinacancel na nga pala niya yung sasalihan kong pageant pero ang mas weird pa dun ay ang pagiging-gentlemen niya.

“Prinsesa? Diba prinsepe? I’m the prince and you’re the princess!” tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos ang buhok ko di ko na sinuklay kasi nakakatamad.

Humarap siya na sakto namang tapos na ang ginagawa niya. Pina-upo niya ulit ako at tinanggal ang pagkaka-ipit ng buhok ko sabay kuha ng suklay.

“Fine lets play the role of a princess and prince, I’m the princess and you’re the prince and this is our kingdom, like it?” nawi-weirduhan na ako sayooo!!!!

“Ang weird mo bakla hahaha! Pero diba? Ang mga prince at princess in love sa isa’t isa? E tayo hindi tss! Useless!” kinagat-kagat ko ang daliri ko pero hinawi niya lang ito.

“Then we’ll act as lovers” napasubsob naman mukha ko sa sinabi niya, anong lovers?!

“Nagpapatawa ka ba? Tsaka ang prinsepe dapat siya ang  nagsisilbe sa princess s---“

“Nah-uh! I’m the princess so I will serve my prince in every way and you my prince will protect and make your princess the happiest princess” parang minurder niya ang buhok ko habang nagsasalita.

“T-Teka! Aray!!! Sakit na niyan ah!” parang hihiwalay na ang buhok ko sa ulo ko, goodness gracious!

“Ask lang my prince okay? Ilang years ka na bang hindi nakakahawak ng suklay?” years talaga?!

“Grabeh ka ha! I’m your prince kaya dapat hindi mo ako nilalait ng ganyan! Ako na!” inagaw ko ang suklay at tumayo papunta sa living room at inipit na lang kaagad ang buhok ko.

“Ehh…my prince sorry na!” sumunod siya at umupo sa tabi ko, hindi ko siya pinansin at nanood na lang ng doraemon.

“My prince?” my prince mo mukha mo! Bahala ka diyan bakla basta magi-inarte muna ako.

“My prince kibuin mo naman si princess” feel na feel niya talaga ang character ah.

“Princceee!!” kinulit-kulit niya ako at nagpakyut pa sa harap ko while ako? Pigil ang ngiti.

Ang cute niya pagginagawa niya yun.

“Prince naman eh!” see?

Naiirita na siya ngayon kaya ngumiti na ako at dahil sa ako ang prince ay hinila ko siya gamit ang shirt niya na nasobrahan ata kaya ang lapit-lapit na ng mukha namin.

Nabigla siya sa  paghatak ko kaya ngumiti ako at tinitigan siya sa mga mata niya.

“Ang cute-cute mo bakla!” kinurot ko ang pisngi niya and napansin ko na namumula ang tenga niya kaya mas ngumiti ako at pinaglapat ang noo namin, dumaos-dos naman ang mga strands ng buhok ko sa mukha.

“Drake…tigilan mo na ang pagpri-prince mo sa’kin, baka makalimutan kong babae ako at magahasa kita as in…right now” kinagat ko pa ang pang-ibabang labi ko habang nakatitig lang siya sa’kin pababa sa mga labi ko.

*dug.dug.dug.dug*

T-teka! Inaasar ko lang siya ah, umepal naman si puso! Nanamputs! Lumayo ako at nanood na lang ng episode ni doraemon yung ‘stand by me’, matagal na yun pero pinaulit-ulit ko kasi gusto ko yung episode na yun.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon