Chapter 23

2.9K 87 6
                                    

"Ate sure ka ba na susunod si kuya dun?" Pangu-usisa ng kapatid ni Drake, hayst! Kulit.

"Yup, susunod siya don't worry" gusto kong matulog pero ang daldal ng katabi ko nakakafrustrate.

On the way na nga pala kami sa Tagaytay and kung tatanungin niyo ako kung anong nangyari kagabi, well mas mabuti na sigurong  'wag na kasi buong gabi akong hindi pinatulog nina kuya kakasermon sa'kin. And tanggap na nila yung sitwasyon keyso inuna ko daw kasi si papa kesa sa kahihinatnan ko kaya tanggap nila.

Kaya ako hindi nakatulog ng maaga as in late na kasi sinasabihan nila ako ng mga bawal tulad ng bawal malasing baka daw may mangyaring masama, tss as if naman! Bawal akong magsuot ng mga sexy kasi hindi bagay sa'kin tas baka tumubo ang hindi dapat tumubo. Gets niyo? Well hehe, ako gets ko. At ayun na nga senermonan nila ako ng kung ano-ano.

Sila na nga pala ang nagempaki ng mga gamit ko. Except sa underwears tss babae pa rin ako noh. Pinaiwan nila yung mga damit ni mama na magaganda at pinalitan nila ng mga damit kong malalaki at isinama na rin yung sa kanila, nakakaloka diba? Tsaka pinagbaunan din nila ako ng boxers para sigurado daw, buti na lang at bagong bili well..bumili talaga sila sa mismong oras na yun tch, mga loko-loko.

"Ate naga-alala ako kay kuya kasi paghindi siya magpakita ay paniguradong kay kuya Nash boboto ang mga board of directors pagdating ng hatian ng shares, special ang reunion na to kaya sana dumating si kuya" reunion na may board of directors? Reunion pa ba to? Ang hirap maging negosyante, more like pagmaybonding na ganapan ay negosyo pa rin ang inu-una.

"Nga pala, dadating yung real fiancee ni kuya kaya dumistansiya ka na lang minsan ate, pangalan niya ay Kyriel Visitacion" napatingin ako sa labas sabay hingang malalim.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon