Chapter 61

2.1K 65 0
                                    


George's POV

Nagising ako sa small kisses na nararamdaman ko. I smile, what a naughty Drake. I hugged him and sniffed him pero ibang amoy ang nasinghotan ko. The heck! Nag-iba ba siya ng perfume? I sniffed him again and this time ay minulat ko na ang mga mata ko and by that, para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

Linibot ko ang paligid. This is not our room! Its dark in here at puro gold and red ang makikita ko dito. I looked at him whose smiling at me.

"M-matthew! Where is Drake?!" Hinila ko ang kumot at itinalukbong sa katawan ko, since i am only wearing almost nothing, good thing suot ko ngayin ang panty and over-sized shirt ni Drake.

"He's with my lolo, don't worry, di nila sasaktan si Drake" lumapit siya sa'kin kaya napa-atras ulit ako.

"Wag kang lalapit! Paano ako nakarating dito?" I glared at him para di na siya lumapit pero lumapit pa rin siya.

"Pinasan kita" nakangiti siya na parang demonyo. "Good thing, akin ka" nangilabot ang buong katawan ko nang padaganin niya ang hintuturo ng kamay niya sa balikat ko pababa sa kamay ko.

"N-Nasaan si Drake?" Umayos siya ng pagkakaupo at huminga ng malalim.

"Sa tingin mo, nasaan siya ngayon?" Nag evil smile siya at may kinuhang paper bag, pero di ko yun inisip kung ano yun, ang ini-isip ko ay si Drake.

"Anong nangyari sa kaniya? Ayos lang ba siya?! Gusto ko siyang maka-usap" alam na kaya niya?

"Chill. Buhay pa siya, puro pasa nga lang but the good thing is...buhay pa siya"i glared at him pero may inigis lang siya sakin kaya tiningnan ko ito, its a dress? Tch!

"Wear it, baka di ko matiis at...never mind" perv! Lumabas siya at iniwan akong mag-isa.

Kaagad kong sinout yung dress na bigay niya kasama ang mga underwear buti na lang at may dalang manipis na shorts. Hmm, buti na lang tss.

Nung nasuot ko na ang white dress na bigay niya na abot tuhod din ang taas ay nilibot ko ang buong kwarto. Di siya parehas ng kwartong kinakulungan ko nung una. This time, wala nang bintana or anything pero sigurado ako na may iba pang bintana sa ibang kwarto.

Napalingon ako nang bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong lalaki na naka-itim at isa na dun ang kuya ni Matthew. Nakangiti siya sa'kin habang papalapit, habang ako ay halos lunurin na sa kaba, anong gagawin nila?

"Aww...scaredy cat? Dapat ka lang matakot George, kasi sa oras na kalad-kadin ka namin palabas, makikita mo ang paghihirap ng pinakamamahal mong baklang Drake" napasinghap ako nang hawakan niya ang pisngi ko para matitigan ang mga mata ko.

"Makinig ka babae...sa lahat ng itatanong namin sa'yo ay sasagot ka lang ng 'oo', maliwanag ba?!" Alam kong tinatakot niya lang ako pero hindi ako magpapasindak sa kaniya.

"At bakit ko naman gagawin yun? Tandaan mo, labas na ang pamilya ko dahil naidala niyo na si Drake dito siguro naman ay marunong kayong tumupad ng usapan" nagpakatatag ako at pinipilit na hindi magpakita ng kaba at takot para sa sarili ko at sa pamilya ko.


Napatawa siyang bigla pero sandali lang yun at diniinan ang pagkahawak sa pisngi ko.

"Sure, pero paghindi ka susunod sa'min, may isang mamamatay at alam mo na kung sino yun" itinulak niya ako na parang isang maliit na bato lang dahilan nang pagka-untog ko sa dingding.

"Sige na! Dalhin niyo na yan!" Di ko medyo naintindihan pero alam ko na kukunin na nila ako kasi nagsikilos nq yung tauhan niya at marahas na hinila ako.

Medyo nagkatisod-tisod pa ako kasi iniinda ko ang pananakit ng ulo ko. Pakiramdam ko na may sugat ako sa ulo kasi ramdam ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa ulo ko.

"Bilis! Ang bagal!" Dahil na siguro sa kabagalan ko ay hinila na ako nung kuya ni Matthew papasok sa isang kwarto at itinulak ng pagkalakas-lakas dahilan nagpagsubsob ko sa sahig.

"Arghh..." kaagad akong lumingon sa pinanggalingan nun at halos maluha ako nang makita ko si Drake na pabaliktad na na itinali sa malalaking kadena.

Tinalian ang mga paa't kamay at leeg niya. Pabaliktad siyang ibinitay at kita ko ang pamumutla at pangingitim ng labi niya habang nakatirik na nakatitig sa'kin. Nanlulumo akong tinitigan siya, wala na akong ibang nadidinig kundi ang mga hikbi ko, Drake.

"D-Drake! Drake! Tulong! T-Tulongan niyo siya! Ano baaa!!" Umalingaw-ngaw sa buong kwarto ko ang iyak habang pilit siyang ina-angat para medyo makahinga siya kahit sandali lang.

"Ibaba niyo siya!! Please! Pleaseee!!" Humagolgol ako habang nanginginig at nagsusumamo sa kanila.

"Drake i'm sorry, i'm so sorry" umiyak lang ako nang umiyak, hanggang sa ma-alala ko ang iisang taong alam kong may natitirang awa pa rin.

"Matthew...nasaan si Matthew?! Asan siya!!" Sandali akong bumitaw at tumakbo papuntang pintuan pero hinarang nila ako kaya nagpumiglas na ako.

"Bitaaawww! Kailangan ko si Matthew please lang! *sob* Asan siya?!" Nagpumiglas ako hanggang sa may dumapong kamao sa tyan ko dahilan nang pagkawala ng balanse ko.

"Ibaba niyo na siya, itigil niyo na yan" narinig ko ang boses ni Matthew na nasa isang sulok lang pala.

Tiningnan niya ako nang walang kaemo-emosyon pero nagpapasalamat pa rin ako. Nanlalambot na pinuntahan ko si Drake na nakababa na. Humihinga siya ng malalim kaya di ko mapigilang 'wag umiyak, kasi kasalanan ko ang lahat ng to. Kasalanan ko kasi hindi dapat siya napunta sa ganitong sitwasyon kung hindi dahil sa'kin.

"G-George" niyakap ko siya at umiyak na sa bisig niya.

"D-Drake, i-i'm sorry..i'm sorry" hinawakan ko ang pisngi niya at kita ko kung paano siya pinahirapan ng mga tao dito.

Puro pasa at sugat ang katawan niya, yung iba dumudugo pa. Kasalanan ko to, sorry Drake..i'm so sorry.

"K-kilala mo sila?" Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa tanong niya.

A-anong isasagot ko? Narinig kong may tumikhim at kita ko mula sa gilid ng mga mata ang matatalim na tingin nila. Hinihintay ang sagot ko, at sa oras na hindi ko sinunod ang gusto nila ay mamamatay si Drake.

Alam kong hindi sinabing si Drake ang mamamatay pero...alam kong hindi lang sa ginamit nila ako and they kept me just because of that reason. They let me live and walk freely even though they have kuya, they kept me because they want me...no, Matthew want me.

"Ahh...o-oo" kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya and then tumingin sya sa mga tauhan nila then naibalik ang tingin niya sa'kin.

"Y-you knew? And you let it happen? W-why George? Why?"

"Di pa ba obvious mr. Santiago? Ginamit ka lang niya at nagpagamit ka naman, nagpa-uto pa hahaha" galit na nakatitig lang si Drake sa'kin habang nakakuyom ang kamao.

"S-sorry, l-let me explain.." naunahan na ako ng mga hikbi ko kasi ramdam ko  ang galit niya, at alam ko naman na kinasusuklaman na niya ako.

"Ginamit ka lang niya pare, at hindi siya responsable sayo una pa lang, hindi totoo ang kasal, gawa-gawa lang ang lahat" napalingon ako nang wala sa oras dahil sa sinabi ng kuya ni Matt.

"Fake...i see" ngumiti siya nang di abot sa mga mata kaya umiwas na ako ng tingin at yumuko na lang.

"Sorry"

"Tama na ang drama, sign this" may iniabot yung lalaki kay Drake habang yung iba ay kinakalagan ang kamay niya.

Drake 'wag.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon