Chapter 65

2K 62 1
                                    

George’s POV

Inihanda ko na ang sarili sa laban nang biglang iluwa ng pinto si Matthew. Kaagad akong nakahinga ng maluwag, pumasok siya kaagad at tiningnan ako na may pag-aalala.

“Okay ka lang? Nasaktan ka ba?” napatingin siya sa tauhan nila na dumadanak na ang dugo mula sa hita pabalik sa’kin.

“You need to go, right away bago pa magising ang lalaking yan ay kailangan niyo nang makalayo sa lugar na to, remember what I’ve told you” tumango ako at napayakap sa kaniya.

“Thank you” yun lang ang sinabi ko at hinila ko na si Drake.

Pagkalabas naming ay walang ni isang tauhan sa lugar, siguro may ginawa si Matthew pero alam ko na panandalian lang yun. Hinila ko si Drake papunta sa napag-usapan kaya lang kaagad akong huminto nang may marinig akong mga yabag ng paa. Shit! Nasa hallway pa kami!

“Pare sigurado ba si sir sa sinabi niya? Sa tingin mo, kaniya kaya yun?” bago pa man nila kami Makita ay nahila ko na si Drake papasok sa isang kwarto.

“Siguro, grabeh naglilihi na agad si ma’am George hahaha akalain niyo yun, pinahanap pa ang durian na hindi mabaho” napakunot naman ang noo ko sa naririnig ko.

Durian na hindi mabaho? Ako naglilihi?

“Oo nga, ibang klase din noh? Hay tara na nga lang” at natigil na ang usapan pero rinig ko pa rin ang mga yabag nila.

Umupo na lang ako sa may gilid at tinabihan si Drake. Naiintindihan ko kung ayaw niya akong kausap, kasalanan ko naman. Napatingin ako sa kamay at leeg niyang nakatali sa kadena kanina, halos magsugat na ito dahil sa higpit. Naa-awa ako, kaya kailangan ko siyang mai-alis sa lugar na to.

Tumayo ako at lumapit sa pinto. Pinakiramdaman ko ang paligid, mukhang wala naman na sila.

“Wala na sila, tara na” nahihirapan siyang tumayo kaya tutulungan ko na sana pero tinabig niya lang ito.

“I can do it myself” napa-atras na lang ako at tumango bago bumalik sa pinto at binuksan ito na sakto lang para makita kong may paparating ba o wala.

Nung masigurado kong wala ay lumabas na ako at inalalayan siya para mapadali ang lakad naming. Nung nasa may hallway na kami ay may naramdaman akong nakatitig sa’min. Tumingin-tingin ako sa paligid pero di ko yun makita nang maayos kasi madlim na sa lahat ng sulok.

“Sinong andyan?” napatingin si Drake sa’kin pero di ko siya pinansin at nakiramdam ulit.

“Sabi nang sinong andya---“

“Chill, ako lang to si Matthew, babantayan ko kayo mula dito George” nakahinga ulit ako nang maluwag nang maaninag ko si Matthew na nakabantay ngang talaga sa’min.

“Mag-iingat ka…palagi” may halong hinanakit sa tono niya kaya medyo napayuko ako.

“Wag mo siyang sasaktan Drake, kasi sa oras na saktan mo siya ay babalik ako sa buhay niya” naramdaman ko ang violent reaction ni Drake pero pinigilan ko lang.

“Sige na, umalis na kayo bago pa bumalik saila” at narinig ko ang tunog ng gatilyo sab aril niya.

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Binilang ko ang bawat hakbang, at naka-abot nga kami sa pintuan. Pagkapasok ko ay humakbang ako ng kaunti at nagsimulang magbilang pataas.

“Paano mo nalaman ang lugar na to?” mahina lang na medyo bulong na salita ni Drake sa’kin.

“Tinuruan na ako ni Matthew at tutulungan niya tayo palabas sa islang ‘to, kailangan kitang mailabas” patuloy lang ako sa paghakbang kasama siya.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon