Chapter 36

2.7K 70 0
                                    


Nabigla ako nang inisang hakbang lang ni Blake ang pagitan namin at hinawakan ang leeg ko. Kita ko ang galit sa mga mata niya at hinigpitan niya ang pagkakapit niya sa leeg ko kaya hindi na ako makahinga.

"Blake! Stop!!"

"Bitawan mo siya Blake!"

"Bitawan mo siya Blake!"

Paulit-ulit na tawag nila kay Blake pero parang wala siyang naririnig. Sinubukan siyang pigilan ng mga cousins niya pero dahil sa lakas niya ay nanatiling nakatayo at paghigpit na nang pahigpit ang kapit ni Blake sa leeg ko.

"B-blake..." sabi ko nang maramdaman kong hindi ko na kaya.

Sisipain ko na sana siya nang biglang may sumuntok sa kaniya kaya nagloose ang pagkakahawak niya sa leeg ko at hinila ako ni Driana palayo kay Blake.

"N-nash...Tulungan niyo si Nash! Nash!" Umiiyak ako habang hinahabol ang hangin  at tinitigan si Nash na pinagbubugbog na ni Blake.

Nakakatakot si Blake pagmagalit, para siyang halimaw na pagginalit mo ay papatayin ka na. Kaka-iba siya, para siyang hindi tao.

Nagsisigawan at pilit na inaawat ng mga pinsan ni Drake si Blake kaso titilapon lang sila o di kaya bibigyan ng magkakambal na suntok. Nakita ko ang panghihina ni Nash kaya tumayo na ako at tutulong sa pag-awat pero pinigilan ako ni Driana.

"Please, pabayaan mo muna ako Driana! Kailangan ni Nash ng tulong” pinipigilan niya ako pero ayaw ko talagang magpapigil.

Tinitigan ko yung mga cousins nila na pilit pa ring inaawat sina Blake at Nash. Sa ngayon ay nakahiga si Nash habang si Blake ay nasa itaas at patuloy na tinatapunan ng mga suntok ni Blake. Tiningnan ko si Driana at lumingo-lingo kasabay ang paghila ko sa kamay ko pero bago ko pa man mapakawalan ang kamay ko ay biglaang akong niyakap ni Drake.

At sa maling oras pa tumibok ang puso ko, pansamantalang nakalimutan ko ang nangyayaring kaguluhan at pinakiramdaman ang tibok ng puso ko pero hindi ko pa rin maiwasan ang ‘wag maiyak dahil sa nangyayari at posibleng mangyari kay Nash. Humiwalay si Drake at hinaplos ang pisngi ko.

“Stay here, tutulong ako” yun na lang ang narinig ko bago siya tumakbo at tumulong sa pag-awat.

Nanghihina na si Nash.

“Guys please tumigil na kayo!” sigaw ni Driana habang yinayakap niya ako.

“Tumigil ka na Blake! Parang-awa mo na lubayan mo na si Nash!” sigaw ko habang umiiyak.

Nung nahawi na nila sina Nash at Blake ay pinaglayo nila sa isa’t isa habang kami ay kaagad na tumakbo kay Nash na duguan na. Agad akong lumapit at pilit ginigising si Nash pero hindi siya dumilat at malalim ang paghinga niya.

“Nash? Nash please gising! Nash!” umungol siya sa sakit na nararamdaman sa katawan niya kaya tinitigan ko si Blake.

“Oh ano? Kasalanan mo yan! You’re not just a gold digger but also a slut! You make Nash be against on us! Kayo ang may kasalanan! Damn!” tinulungan nina Driana at Drake si Nash at ako naman ay tumayo at lumapit sa kaniya, hindi ako natatakot sa kung anong gawin niya, sumusobra na kasi siya!

“Blake may kasalanan ka rin, hindi mo pinigilan ang sarili mo na halos patayin mo na ang sarili mong pinsan! Napakasama mo! Napakasam—“

*slapped!*

“You will pay for this!” banta ni Blake bago niya itulak si Gilbert at umalis at sumabay naman ang iba kaya kaagad akong lumapit kina Drake.

“N-Nash? Nash!” patay na ba siya?

“He’s not yet dead kaya tumigil ka sa kakaiyak mo, tss” tinulungan ko siya para buhatin si Nash.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon