Chapter 20

3.2K 93 6
                                    

*8:45*

Nakatungana pa rin ako dito sa may bus stop. Ewan ko parang nawalan na ako ng ganang pumasok. Siguro dahil yun sa mga sinabi ni kuya Jhon though naiintindihan ko siya kasi nakakabigla din naman kasi yun.

Pero ang sakit pala. Kahit nasa class F ako at palaging nagkakami ay ni minsan hindi ako sinabihan ni papa na disappointed siya sa'kin. Pero sa sitwasyong to panigurado ay mas hihigit pa yun.

Nung may bus na huminto sa harap ko ay pumasok na ako. Pinahid ko ang mga luha ko at umupo sa may pinakadulo. Di ko na lang pinansin yung lalaking nakahodie mukha namang natutulog eh.

Habang nire-recall ko yung nangyari kanina ay agad namang dumaloy sa pisngi ko ang mga luha ko. Hindi ko lang talaga mapigilang isipin yung sasabihin ni kuya kanina, i mean. Porke ba'y nagkamali hindi na pwedeng magpaliwanag or to clear things out? Judge agad? Padala agad ng emosyon? Bakit ganun? Bakit ganun silang lahat.

"Tahan na di ko gustong may tahimik na umiiyak sa tabi ko" ani ng katabi ko na agad ko namang napunasan ang mga luha ko at dinedma siya.

"Oh anong gusto mo? Sumigaw ako? Iiyak ko lahat? Ha!" Asar! Nagdradrama yung tao eh!

I heard him chuckle but still i ignored him, taray english yun ah. "Yeah, parang ganun na nga try mo promise mababawasan yang sakit na yan" talaga lang ha, try nga.

*breath in. Breath out*

"WAAAAHUHUHUHU!!! GRABEH NA KAYUNG LAHAT! DI BA PWEDENG MAGPALIWANAG?! HA! HUSGA AGAD-AGAD? NAPAKA-UNFAIR NIYO NAMAN! NI HINDI NIYO NGA INALAM YUNG SIDE NIYA NA PARANG JUDGE LANG! AALAMIN MUNA ANG INTENTION AND REASON KUNG BAKIT BAGO KASUHAN! HUHUHU I HATE YOU ALLL!!! AN---"

"Hoy miss manahimik ka nga, kung may problema ka sabihin mo sa pamilya mo 'wag dito tss walang breeding" napatigil ako sa pagdra-drama nangbiglang sumabat yung ka age ko lang na babae, mukhang higad din.

Tinawanan lang ako ng katabi ko at aba syempre! Ayokong magpatalo since nasa mood ako at malapit na ang susunod nabus stop malapit sa school so gora! Di naman niya ako kilala eh!

"Walang breeding?eh ikaw? Anong tawag sayo? Sumasabat ka nang hindi ka kausap! Mahiya ka naman girl! Andiyan ka oh! Ang layo natin tapos ikaw pa ang nagmaldita samantalang itong katabi ko at malapit sa'kin ay hindi sumasabat---oh? Sino ngayon walang breeding? Aber?" Narinig ko yung iba na nagtawanan na kaya hayan! Pahiya.

"Shut the heck up palengkera!" Nag-roll eyes siya at aninag ko na rin ang bus stop kaya huling hirit na.

"Oh diba yan ang magandang example ng mga sinabi ko? Mga taong judgemental ni hindi man nga lang inintindi or inisip ang pinagdaanan ko pero kung sabagay paano ka nga ba naman magi-isip kung wala ka nga namang isip! Kaya sa sinabi mo? Ikaw ang best example, bye" tumayo na ako at lumabas pero bago ako makalabas ay kino-congratulate ako nung mga pilyong bata kasi daw nanalo ako hahaha! Ganyan nga!

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon