Chapter 19

3.1K 88 1
                                    

*3:41 am*

"Bakla gumising ka na aalis .na akooo!!" Gusto ko nang magwala dahil kanina pa ako nagpupumilit gisingin siya kaso tulog mantika kaya hinampas ko na ng bongga.

"Ano ba! Kanina ka pa! Can't you just go alone?! GOOOO!!" Sigaw niya na sinabayan pa ng bato ng unan kaya napalabas ako nang wala sa oras.

Wala akong choice kundi lakadin na lang since walang taxi na gumagala this early in the morning kaya urghhh!!! Magba-bus  na lang ako.

Pagkababa ko ng condo dala ang sama ng loob ko kay bakla. Tss! Promise maghihiganti talaga ako sa baklang mukhang krung krung na yun!

Niyakap ko na lang ang sarili ko habang dinadama ang malamig na hangin kahit naka thick jacket ako at naka pjs. Habang papunta ako sa bus stop ay rinig na rinig ko ang pagtahol ng mga aso kaya medyo creepy.

Halos lakad at takbo na ang nagawa ko kasi naririnig ko kasi yung mga hakbang ng paa na kanina pa sumusunod sa'kin isama niyo pa ang ingay sa paligid. Alam niyo yun, yung parang may gustong pumatay sayo? Ewan ko basta hindi ako komportable kaya mas binilisan ko pa.

Nung naaninag ko na ang bus stop sa may di kalayuan ay medyo nabunutan ako ng tinik kaya lang may biglang humablot ng braso na nagpataas  ng high blood ko. He pinned me on the wall at promise na ramdaman ko ang matulis na bagay sa may leeg ko na nagpasinghap sa'kin.

Jusko po! Mamamatay na ba ako ngayon?! 'Wag po muna gusto ko pa pong paghigantihan yung baklang yun! Please po help! Naku!! Mumultuhin ko talaga yung baklang yun pagmamatay ako ngayon!!

Habang nanalangin ako ay biglang nagring ang phone niya and promise familiar ang ringtone. Parang...parang katulad ng ringtone ni....bakla?

Sinubukan niyang patayin yun kaya lang naunahan ko na siyang suntukin na dahilan ng pagka-atras niya.

Hinablot ko ang phone niya at doon ko nga nakompirmang siya nga to.

"Its a prank!"

"Anak ng potcha ka ah! May plano ka bang patayin ako?! Ha!" Dahil sa takot at galit ko ay binangga ko na lang siya at nagpatuloy sa paglakad.

"Hehe sorry na sira kasi kotse ko kaya di kita mahatid" paga-approach niya sa'kin.

"Talaga? Kung ganun dapat sinabi mo hindi yung binabato mo pa ako paalis! Wala kang puso! Galit ako sayo KAYA PWEDE BA WAG KA NANG SUMUNOD BUMALIK KA NA LANG SA LUNGGA MO!" tumakbo na ako na sakto namang may tumigil na bus.

"H-hey ihahatid kita! Wait for me!" Sinubukan niya akong habulin kaya lang dahil sa kaartehan ay natapilok.

"Miss hindi ba sasakay yung kasama mo?" Tanong nung conductor.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon