Chapter 70

2.5K 64 8
                                    


Drake’s POV

“L-lola para saan to?” nanginginig na tanong ko sa matanda.

“Hijo pumunta ka sa bayan, doon ka humingi ng tulong at magagamit mo ang perang iyan kaya sige na at humayo na kayo paparating na sila” tinulak akong matanda papunta sa may kusina ng kubo.

“L-Lola paano po kayo?”

“Sige na kaya na namin ng lolo mo sila, hindi nila kami sasaktan kasi matatanda na kami” ayoko mang umalis pero hinihila na rin ako ni Junjun palabas ng kubo.

“Mag-iingat po kayo and I’m sorry po” tumango lang ang matanda bago puntahan si Lolo na kunwari ay nagkakape lang sa may pintuan.

Sumunod ako kay Junjun na tumatakbo papuntang kakahoyan. Nakatawag na ako sa dad ko and they are coming, sana umabot sila kaagad. Nung nakapasok na kami sa kagubatan ay may narinig akong pagbasag ng kung ano sa kubo ng matatanda kaya napatigil ako at tumingin sa kanila.

“Saan na siya matanda?! Kung hindi niyo sasabihin, mawawalan kayo ng bahay!” kita ko ang takot sa mata ng matatanda pero umiiling lang sila.

I’m sorry lolo and lola, dinala ko sila sa pamamahay niyo, pasensiya nap o. Naramdaman ko ang kamay ni Junjun sa balikat ko, nasa edad na 16 si Junjun pero marunong na siya mamuhay mag-isa.

“Tara na, babalikan ko na lang sina lola at lolo mamaya” tumingin muna akokina lolo’t lola at doon sa mga lalaking nasa 15 ang bilang.

Tumango na ako at nagsimula nang tumakbo. Naririnig ko pa silang nanggu-gulo kaya medyo nakokonsensiya ako.

“AYON SILA! HABULIN NIYO!”

Mas lalong kinabahan ako nang marinig ko yun kaya tumakbo na lang ako nang tumakbo, hindi ko na ini-inda ang mga sugat sa katawan ko. Kasi mas nangingibabaw ang takot sa dibdib ko.

“Malapit na tayo kuya! Diritso ka lang, ililigaw ko sila” tutol sana ako kasi baka anong gawin nila sa bata pero nawala na sila.

I have to be faster! Magkasunod na putukan ang naririnig ko, mayroong sa banda na pinagtak buhan ni Junjun at sa’kin. Takbo lang ako nang takbo nang matapisod ako at matumba kaya naabutan nila ako. Nakatutok sila ng baril sa’kin, nasa walo sila lahat.

“Sige na! Hulihin niyo na yan! ‘Wag niyo siyang papatayin kailangan natin siyang buhay, saka na lang paginutos na sa’tin” nakaramdam naman ako nang takot nang damputin nila ako.

Hindi nila pinalagpas ang pagkakataong hampasin ako ng kahoy sa tyan at sa likod kaya mas lalo akong nanghina habang sila ay nagtatawanan lang. Damn!

“Hahaha, basta paalala lang ‘wag niyong papatayin” at doon na nila ako ginulpi.

Napapahiga ako sa lupa nung magkasabay ila akong hampasin ng kahoy at pagtadyakan. Nahihilo na ako at mukhang anytime ay mawawalan na ako nang malay. Ramdam ko na rin ang pagbubuka ng mga sugat ko at pagduri nito.

Nawawalan ako ng lakas nung matapos nila akong paghampasin bago iangat at bigyan ng suntok sa tyan. Napaubo na lang ako ng dugo at kasabay nun ang pag-agos ng dugo ko sa ulo.

“Wala ka pala eh! Hahaha! Di na kami magtataka kung bakit nauna kang tumakas kesa kay George hahaha! Duwag! Mahina!” and again hinampas nila ako ng kahoy sa tyan ko kaya mas napaubo pa ako na may kasamang dugo.

“Tara na! Ibalik na natin siya sa isla, hinahanap na siya ni sir Matthew” at hinila nila ako na wala nang lakas.

“Paano na nga pala yung matatanda boss?” tanong isa na nakasunod sa kaniya.

Huminto siya kaya huminto din kami.

“Hmm…Sunugin niyo ang bahay nila at—“ hinila niya ang gatilyo bago iharap sa’kin ang baril, “patayin niyo sila” halos mawala sa’kin ang spirit ko nang paputukan niya ako pero dumaplis lang ang bala sa balikat ko pero nagkasugat na ako dun.

Nagtawanan sila bago magsimulang lumakad ulit habang ako ay nanginginig na. Why am I so damn weak?! Nangako akong ililigtas ko si George, pero mababalik lang pala ako sa islang yun na mas mahina pa?

At responsibilidad ko pa ang dalawang matanda pati na si Junjun kasi nadamay sila sa gulo ko. And I am doin nothing? Ba’t ba ang hina ko? No! Mas mahina si George, pero nakaya niya. Duwag lang ako, and i have to fight them.

“P-Pwede bang humingi ng tubig?” tanong ko sa taong nakahawak sa’kin sa left side.

“Hindi pwede---“ hindi ko na inantay ang isasagot niya at agad kong pinatid ng buong lakas kaya napasigaw siya.

Nagsilingunan sila pero di ko sila initindi at pinatid din ang nasa right side ko bago suntukin sila.

“DAMN!”

Itinutok nung boss nila ang baril kaya bago niya maiputok ay nasa likod na ako ng tauhan niya at hinablot ang baril bago barilin yung naunang pinatid ko kasabay ang pagtama ng bala sa pinagtaguan ko.

Mas napamura silanng lahat bago magkasunod na tinira ko ang tatlong tauhan niya na tatanga-tanga lang bago magtago sa malapit na puno.

“Bwesit! Anong tinatanga-tanga niyo dyan?! Get him!”

Tumakbo na ako nang malakas habang pinapaulanan nila ako ng bala. Natamaan pa nga ang kaliwang binti ko kaya napaharap ako at pinaputukan din sila na agad naming nagago sa mga puno.

Humayo na ako at tumakbo nang muli kaya lang naaninag ko ang tatlong armado at kasama na nun ang boss ng mga lalaki na nakatuon sa’kin ang mga baril.

Tumingin ako sa likuran ko at nandoon din yung mga nakasunod sa’kin. Shit! Pinapalibutan nila ako! Hindi ako makakilos ng maayos kasi alam ko na isang maling galaw ko lang ay papatayin na nila ako.

Hindi sila magdadalawang-isip na patayin ako kahit ang utos ay kailangan nila akong buhay.

“What do you want? Ano ba talagang kailangan niyo? You need money? Naibigay ko na sa boss niya, lahat ng pagmamay-ari ng isang Santiago, what else you want?!” nagtaas-baba ang balikat ko kasi kabado na ako sa pwedeng mangyari.

“You, sir Matthew want you to suffer! At pinapasabi ni sir na duwag ka daw, mahina! Pinabayaan mo ang babae mong maiwan sa islang yun, pero nagpapasalamat daw siya kasi finally na-angkin na niya ag babaeng pinapangarap niya at maa-angkin pa niya ito ng paulit-ulit” napakuyom ako ng kamao at pinipigilan kong h’wag sumugod.

Damn him! Papatayin ko siya for touching my girl! I will kill him at sisiguraduhin kong magdudusa siya! Mas lalong tumaas-baba ang paghinga ko kasi nagtitimpi lang ako ng galit.

“Too late mr. Santaigo---“ napaupo ako sa lupa nang magkakasunod na putok na baril ang umalingaw-ngaw sa buong kakahuyan.

Wala akong ibang nagawa kundi ang dumapa sa lupa at hinihintay ang pagtama ng bala pero wala akong nasasalong bala sa katawan.

Nung tumigil ang putukan ay nakahinga ako ng maluwag pero tumambad sa mukha ko ang tatlong pares ng sapatos. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang kalmadong mukha ng mga military.

“Mr. Santiago, sorry we’re late” at inalalayan akong tumayo ng kasamahan niyang military bago inalalayang lumakad.

“Sir kailangan mong makasakay sa chopper for your medications, kami na pong bahala sa lahat” pormal na saad nung leader ng military.

“No, sasama ako we need to get my girl” matigas na sabi ko.

Tumango na lang sila at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Humanda ka Matthew, I will surely kill you and make you suffer before you die.


My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon