Chapter 55

2.5K 88 9
                                    

Nawawala na ako sa katinuan pero kaya ko pa rin naman eh. Sumayaw, kanta and many more with my barkada and Carl na naging partner ko na rin, lol! Landi ko. Na ang nagawa namin dito. I'm really enjoying nang bigla akong hilain ni Drake palabas ng bar. Halos mauntog ko na nga sarili ko sa mga paharang-harang, di na po kasi ako makalakad ng maayos. Tas hetong baklang to manghi-hila lang ng walang consent sa nahila! Walangya!

"Ano ba!! Bitiwan mo nga ako!" Sabi ko habang hila-hila niya ang kamay ko ng napakahigpit.

"Bitaw nga sabi eh!" Ang sakit na kasi ng kamay ko.

"Ano bang problema mong BAKLA KA!" And finally binitiwan ba niya ako sabay harap sa'kin.

Napakapit ako sa kamay ko na kanina pa namumula. Ang higpit kasi ng pagkahawak niya sa kamay ko.

"Ano bang nangyayari sayo ha!" Sabi ko sabay tingin ng matalim sa kaniya.

Ano bang problema ng baklang to?!

"Nakalimutan mo atang may asawa ka na, kung makalandi ka sa Carl na yun daig pa isang linta" mahinahon niyang sabi pero ramdam ko parin galit niya.

Bakit ba ganiyan siya makareact? At makasabi siya ng malandi ha! Grabeh! Tsk kala mo naman kung sino?! Eh siya halos lahat ng barkada ko kumikinding! Ang sarap mong patayin!

"Fyi! Barkada ko sila kaya kung nagseselos ka wala kang magagawa ako yung may matres dito noh!" Kaasar ka kasi eh! Ayan napunta tuloy ako sa matres!

"*smirk* talaga? Asawa mo parin ako kaya wag na wag ka nang lalapit sa barkada mo" - siya

"At bakit naman?! Ikaw ang lalapit sa kanila?! Ha!" Ang engot niya! Bakla talaga!

"Will you please shut up!" Sabi niya sabay sabunot ng buhok niya.

"Ano ba kasing problema?! Ipaintindi mo sa'kin please! Ano?! Nagseselos ka ba kasi palagi akong lumalapit kay Carl?! Mahal mo ba si Carl?! Sabihin mo! Para mapilit ko sa sarili ko na layuan na si Carl! Please! Naguguluhan na ako! Ang sungit-sungit mo tapos biglang magiging sweet at caring tapos maya-maya magiging seryoso. Ano ba talaga?! Sabihin mo!" Naiiyak na talaga ako.

Naiiyak ako kasi tinuring kong beshy si Drake pero ngayon nagiging ganito na siya. Hindi ko na siya maintindihan  bigla siya nagbago.

"SHUT UP! HINDI KO NA KAYA!" - drake

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon