Chapter 63

1.8K 52 2
                                    


George’s POV

“Kain na, promise masarap yan di tulad nung una, natuto na kasi ako” at proud pa talaga siya ah.

Wala akong ganang kumain, at di ko kayang kumain at uminom ng tubig habang si Drake ay wala man lang kinakain at ini-inom. Di ko kaya, sana ako na lang ang nasa sitwasyon ni Drake, kakayanin ko naman.

“Nasaan tayo?”

“Hmm..masarap din to oh, ayaw mo?” ini-iba niya ang usapan kasi ayaw niyang sabihin.

“Paano ako makakatakas?” pinagpatuloy ko pa rin kaya tumigil siya at tiningnan na ako sa mata.

“You can’t escape, sige ganito yan…makaka-alis ka nga sa bahay na to pero di ka makaka-alis ng tuluyan kasi mahahanap at mahahanap ka pa rin nila, kahit saang sulok ka pa magtago” napalunok ako sa sinabi niya, kung ganun nasa isang lugar ako na walang matataguan?

“T-Tutulungan mo ba akong makatakas? Ulit?” pinatakas na niya ako noon, kaya di malabong patakasin niya ako ulit ngayon.

“Isang kahibangan at kabobohan lang kung patatakasin pa kita ulit” right, he want me.

“D-Diba gusto mo ako? Mahal mo ako pero bakit o ginagawa to? Bakit ang self---“

“I know! You don’t have to repeat it, I am selfish pero mali bang magpakaselfish muna ako? George, I love you! And all I want is you, at hindi ko hahayaang mawala ka pang muli sa’kin” hinawakan niya ang kamay ko habang ako ay tumingin sa kawalan at hinahayaang dumaloy ang mainit na likido sa mukha ko.

“You can’t have my heart, but you can have my body, you can have it now, nai-intindihan ko na” tumayo ako at pumunta sa kama.

Nanginginig sag alit na tumayo siya at hinubad ang pang-itaas na damit. Nilapitan niya ako, pareho kaming nakatayo ngayon. Patuloy pa ring umaagos ang mga luha ko nang halikan niya ako ng marahas sa leeg ko paitaas sa tenga ko at papunta sa mukha ko.

“Kiss me” at hinalikan niya na ako.

I kissed him back pero umaagos pa rin ang mga luha ko. Nasasaktan ako, parang trinaydor ko na si Drake sa ginagawa ko. Sorry Drake, sorry.

………………………

“Maligo ka na and kainin mo na din yang foods na hinanda ko” nakatulala lang akong nakatingin sa kesame habang siya ay umuupo sa gilid ng kama.

Nakatuwalya lang siya at pinupunasan ang basang buhok niya. Tumayo naman ako at nagdadalawang isip na agawin ang towel pero kinuha ko na lang.

“A-Ako na”

Kung una ko pa sana siyang nakilala, edi sana siya yung nagustuhan ko at hindi si Drake. Kasi almost perfect na siya, gwapo, matangkad, matipuno, mabait at mapagmahal. Katulad ni Carl, pangboy next door ang purmahan pero I dunno kung bakit sa isang bakla pa ako nagmahal, maybe…maybe there’s something special kay Drake.

“Bakit di mo tinuloy?” yes, hindi niya tinuloy yung kanina.

Nagtataka ako kung bakit, diba he want me? Ang ginawa niya lang kanina ay hinalikan pagkatapos ay niyakap ng mahigpit bago siya pumunta sa banyo at ayan, lumabas siyang basa ang buhok at may towel sa ibaba.

“I want you, pero ayaw kong ipilit ang gusto ko kung alam ko naming nasasaktan kita” napasinghap ako nang kunin niya ang kamay ko at iginawi na maupo sa tabi niya.

“I love you mula noon hanggang ngayon, pero kung ang kaligayahan mo naman ay siya, di ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko sayo” kita ko ang sinsiridad sa mga mata niya.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon