Chapter 33

2.6K 77 3
                                    


George’s POV

Pagkasara ko ng pinto ay naglean na muna ako sa pinto at napahinga ng malalim. Tama, dapat kalimutan ko na lang, ang dali lang nun. Kung nakalimutan ng iba yung mga taong mahal na mahal nila, ako pa kaya na gusto lang siya. Kaagad akong nagshower at nagtoothbrush pero pinalipas ko na lang muna hanggang sa matuyo ang buhok ko bago ako lumabas.

*sigh*

“Ang bobo mo talaga George” sabi ko sa sarili ko na nakaharap sa salamin.

“Kung pipiliin mo lang naman palang kalimutan, edi sana noon pa lang hindi mo na sinabi…aish!!” paano na ngayon yan?

Hindi ako pinalaking plastic na pagmagkita kami ay aasta ako na parang walang nangyari! Ang hirap!

“Eh kung kay Driana na lang kaya ako matulog? Mas okay ata yun” inayos ko sarili ko at isinuot ang T-shirt ni papa at jersey ni kuya bago lumabas ng banyo.

Pagkalabas ko nakita ko si Drake na natutulog lang kaya kaagad na akong lumabas baka magising pa eh. Itutulog ko na lang to para bukas ay magka-energy na ako, hayyy… buhay!

Andito na ako sa harap ng kwarto ni Driana kaya dahan-dahan ko na  itong pinihit nang makarinig ako ng kung anong malaswang tunog.

“Ugh…Ethan—ump!” Parang nabuhusan ako ng mainit na tubig na nagpa-init ng buong katawan ko, feel ko na rin na nagje-jelly na ang mga tuhod ko kaya bago pa man ako matumba ay may pumulupot na sa tyan ko at hinawakan ang kamay ko na nakahawak sa door knob.

“SHhh..” bago pa man ako makareact ay naisarado na niya ang pinto and this time nakalock na.

Tumayo ako at tiningnan kung sino. Namilog ang mga mata ko nang makita ko si Nathan kaya bago pa uli ako makapagsalita ay tinakpan na niya ang bibig ko at hinila papasok sa kwarto then ayun binitiwan na niya ako at nilock ang pinto.

“Okay, you may now react kasi nasa kwarto ka na” sabi niya at binigyan ako ng tipid na ngiti.

Kumurap ako and then napaupo na lang at kinagat-kagat ang daliri ko. Ano yung narinig ko? Bakit umuungol si Driana? OH COME ON GEORGE! ALAM MO NA YUN! YUNG UNGOL NI DRIANA AY TULAD LANG NUNG MGA UNGOL NA NANGYAYARI SA KWARTO NG MGA KA BRAD MO! Nararamdaman ko na naman ang pamumula ng pisngi ko bago ako…

“WAAAAAAHHH!!! BAKIT?! BAKIT NILA YUN GINAWA?! DIBA COUSINS SILA?! BAKIT SILA UMABOT DITO? ANAK NG PUSANG KABAYO OH!” Nginatngat ko pa rin ang daliri ko habang si Nathan ay tumatawa na kaya bigigyan ko siya ng death glare.

“Tinawa-tawa mo dyan! Hoy! Kakambal mo at cousin mo gumagawa na ng milagro habang ikaw ay walang ginagawa?” tumayo ako kinuha yung alcohol sa malapit, baka kasi mandiri si Nathan paghinawakan ko siya katulad na lang ng oa na reaction ni bakla.

“Ano naman gagawin ko?” then nginitian niya ako na parang ewan at ako na hindi slow at inosente ay alam ko na ang meaning nun kaya naibato ko na lang sa kaniya ang alcohol na nailagan naman niya at tinawanan ako.

“Gago ka! Dapat sinasabihan mo yang kakambal mo na ‘wag gagapangin ang cousin niya! Pigilan mo sila! Pigilan mo!” pinagtutulak ko siya kaso hindi siya tulad ni bakla na mahina kaya naitulak niya ako sa dingding habang ang isang kamay niya ay nasa bandang uluhan ko.

“A-Ano ba! Tatadyakan kita diyan kung hindi mo sila pipigilan!” then ngumiti na naman siya.

“Pipigilan ko? Eh baka nakapaputok na yu---ughh!” tinadyakan ko siya sa ano niya dahil sa kabastusan niya! Asar!

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon