Chapter 31

2.6K 91 4
                                    

George’s POV

Pagkatapos niya akong bigyan ng hangin ay ngumiti siya at nang-ayang lumangoy papunta sa itaas. Gulat pa rin akong nakatingin sa kaniya pero nagpatianod na lang ako. Pagka-ahon naming ay doon na ako nakahinga na kaagad naman akong inalalayan ng ibang mga Santiago para maka-ahon sa tubig.

“Okay ka na ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic sa bayan?” Pang-uusisa ni Mia yung mc kanina.

“H-hindi okay na ako, g-gusto ko lang mapag-isa” sabi ko at tumayo na.

Hinanap ng mga mata ko si Drake at ayun nakita ko siya na tumatawa kasama si Kyriel sa may videokehan. Gusto ko siyang lapitan pero nadala na ako ng emosyon ko at tumakbo na palabas ng mansion. Tumakbo ako sa may kakahuyan nang makarinig ako ng panlalaking iyak kaya dahan-dahan akong lumapit at pinahiran ang mga luha ko. Nanatili akong tahimik hanggang sa Makita ko ang isa sa mga Santiago.

“Eherm…” page-interrupt ko sa kaniya na ikinalingon niya naman bago pahiran ang mga luha niya.

“What are you doing here? You supposed to have fun with my cousin, Drake” pagmamatigas ng boses niya.

“Ayoko dun busy kasi siya nakaka-out of place, pwede bang tumabi?” umusod naman siya sinyales na pinauupo niya ako.

“I don’t know you and I don’t trust you pero pwede bang makinig ka muna sa’kin?” tinitigan niya ako ng seryoso kaya napatango ako.

“Sige, makikinig ako basta ilabas mo lang lahat ng nasa puso mo” mukhang magkakaintindihan kami nito ah, mga pusong sawi…joke lang, siya lang ata.

“There’s this girl I truly love and of course she do love me also, but when that so called ‘third party’ came, she became cold, ni hindi nga lang niya ako grineet nung birthday ko, nung anniv namin, hanggang sa ma car accident ako hindi rin siya nagpakita” huminga siya ng malalim bago ipinagpatuloy, “Hindi pa ako fully recovered but I tried to find her, and yes I found her kissing someone else na halata sa mga mata niya na masaya siya sa kaniya, and now, she broke up with me” nagsimulang tumulo ang mga luha niya kahit nakatitig siya sa buwan.

“Mahal na mahal ko siya, I give her what she wanted, happiness, love, care, give her expensive clothes, everything. But how could she managed to break my heart into pieces? Is it not enough? Am I not enough? Bakit niloko niya pa rin ako? Bakit mas pinili pa niya yung third party niya kesa sa’kin, ano bang kulang sa’kin? At ibibigay ko lahat kahit na baguhin pa ang sarili ko para sa kaniya, because I love her so damn much!” Umiiyak na siya ng umiyak habang ako ay hinahaplos ang likuran niya.

“Alam mo, para sa’kin, sobra-sobra na ang ibinigay mo” tiningnan niya ako habang umaagos pa rin ang mga luha niya, hindi ako magiling ditto pero pipilitin ko.

“Sobra-sobra na ang ginawa mo, minahal mo siya at binigyan ng magagandang ala-ala, sadyang siya lang talaga ang hindi marunong makuntento, hindi mo kailangan sisihin o tanungin sa sarili mo kung hindi ka pa ba sapat kasi sa totoo lang, sapat ka na” nginitian ko siya habang siya naman ay nakatitig sa’kin.

“Wag ka nang umiyak” nanginginig na pinahiran ko ang mga luha niya, “Hindi mo kailangang ibahin ang sarili mo, kasi mas marami pa ang nagmamahal sayo bilang ikaw, ‘wag kang magpakatanga sa isang babaeng hindi naman worth it sayo, think about this” mas lumapit pa ako sa kaniya na parang may sekretong sasabihin.

“Look forward and smile, malay mo for the next 10 years makasalubong mo siya at sasabihin mong 'Thank you for breaking my heart, dahil kung hindi dahil sayo ay hindi ko matatagpuan ang the one ko'then ngingitian mo siya na may pagmamalaki” Nginitian ko siya at ngayon ay tumigil na ang pag-iyak niya at nakangiti na siya.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon