Chapter 29

2.7K 85 3
                                    


George’s POV

*morning*
*3:28 PM*

Hindi pa ako masyadong okay kasi may pamamanhid pa rin sa tuhod. Pero okay lang, Masaya naman kasi ako ehh..yiehhh!!! Kagabi kasi nakatulog na ako nung matapos akong gamutin ni Ethan then paggising ko na lang nakayakap na si bakla sa’kin. Kaso panira eh, pagmulat ng mata niya para akong nata-tae na parang ewan, yung parang gugustuhin ng katawan ko na magstay lang kami sa ganung pwesto forever, kaya ginawa kong pangdestruction ang hininga ko na kaagad namang nagreact si bakla at umalis sa tabi ko. Safe pero nakakahiya, though hindi naman ganun kastrong ang amoy pero may amoy pa rin hehe.

So heto ako, naglakad-lakad sa buong mansion. Hindi ko kasi nalibot to noon at binaliwala lang ang ganda ng mansion kaya babawi ako ngayon. Two floors lang ang mansion pero malaki na ito. Sisimulan ko sa banyo naming ni bakla hehe, Ang gara ng banyo namin na gugustuhin ko na lang dito na matulog kasi pang royalty talaga, yung bath tub, sahig, dingding, pati toil pang gara tas mas malaki pa to sa kwarto ko. Then ang kwarto namin parang kasing laki ng kabuoang laki ng bahay naming, na pang pamilya talaga yieeh! Nai-imagine ko, yung mga anak naming ni bakla na naghahabulan…waaaaah! Ang cute haha.

Bawat hallway may kanya-kanyang chandelier na parang aabot sa million ang halaga kaya kahit yun lang ay sure ako na yayaman na talaga ako. At ang motive ng bahay na to ayon sa mga katulong ay pang royalty daw kaya kadalasan gold ang makikita mo. Dito sa 2nd floor may sala dito at living room na ang motive ay pang feel at home talaga. May home theater na sobra ang laki at ang upuan ay foam na maraming nakakalat na unan. Yung sa 1st floor naman ay pagpasok mo pa lang ay sasalubungin ka na agad ng dalawang heganteng pinto, then hindi tulad sa bahay namin na pagpasok ay makikita mo na yung living room ang bubungad sayo ay isang mahabang, malaki with carpet na hagdan. Sa left side andun ang kitchen, dining area, maid’s quarter na nasa pinakasulok. Sa right side ay makikita mo doon ang ibang guest room kung saan andun si lola Rosita at ang malaking living room na nakaharap sa pool area.

Bongga diba? Tsaka yung pool area nakaka-akit pero rejected. May malaki ding fountain na umiilaw tuwing gabi, syempre. May garden sa tabi na ang gaganda ng bulak-lak at isama na rin natin yung wine cellar. So ayon nga ngayon magsisimula ang saya sa reunion na to.

First stop, Zipline in Tagaytay at syempre dahil first time ko to sobra-sobra ang tuwa, kaso kailangan mo lang talaga mag-ingat I mean watch your head and dodge the tree, branch or trunk. Second stop, Residence Inn Zoo and Third stop is Sky Ranch at ang last ay syempre kainan.

Nag-enjoy ako ng sobra-sobra kaya lang nakaka-asar na ang sarap lang pumatay ng tao. Bakit? Ang landi-landi kasi ni Kyriel kung maka kapit kay Drake porke siya yung ka buddy ni Drake. Tsk! Kung makasigaw kanina akala mo may kinatay na baboy, urghh!! Tapos si Drake nakakainis, ngiti lang ng ngiti na parang engot.

Feeling ko tuloy si Drake nag-eenjoy na siya kay Kyriel. Ni hindi man nga lang ako tiningnan ni Drake, tsk! Nakakainis! At feeling ko inaasar talaga ako ni tadhana. Bakit? Magkasama kami ng table ni Drake kasama ang Kyriel niya at aba! Magpapatalo ba ako? Syempre meron din akong Ethan na medyo weird, nakakakilabot ang mga the moves niya grrr..

“Hmm.. Try this one Drake its super duper yummy” sabi ni Kyriel sabay subo kay Drake na tinanggap naman ni Drake, pssh!

“Ahh, try this George its yummy also” na-alarma naman ako nung may lumapit na pagkain sa bibig ko at kahit na natikman ko na ay kinain ko pa rin at nginitian si Ethan.

“Hmm..ang sarap nga! The best ka talaga buti na lang at ikaw ang kabuddy ko!” then inakbayan ko siya sabay wink.

Ramdam ko ang pagkagulat niya kaso ngumiti lang ulit siya at feel ko na ang mga nagmumukhang lasers na mga mata nina Drake at Kyriel. Ha! Kala niyo ha! Pero kaagad namang nagreact si Kyriel at dumamoves kay Drake. Kunwari natapunan daw niya si Drake ng tubig at dahil maarte si Drake ay kaagad siyang napatayo.

“What th---“

“OMG! I’m so so sorry Drake! Let me” Agad siyang tumayo at kumuha ng towel then ayun, pinatuyo niya. Tss, for sure gusto niya lang mahawakan ang matipunong katawan ng fiancé  ko.

“Suss para tubig lang” sabi ko na lang at kinain ng buo ang natitirang pagkain ko at pilit na nilunok.

“Dahan-dahan ka lang baka mabulunan ka” putcha nabulanan nga! Kinapa ko yung tubig at ininom lahat kaso hindi gumana kaya tumayo na ako at pilit na iniluluwa yung kanain ko kaso ang hirap.

Nabigla na lang ako nang biglang may kumapit sa tyan ko at tinulak-tulak ang tyan ko na bumabangga naman sa matipounong katawan ng kung sino man ito. Hanggang sa mailuwa ko yun at putcha! Paano nagkaroon ng singsing sa burger ko?

“Singsing? Bakit singsing?” takang tanong ni Driana na kaagad namang lumapit yung waiter.

“Sorry ma’am nagkapalit po kasi kayo ng burger, pakilagay na lang po dito ma’am” Nakakunot na inilagay ko ang singsing habang yung mga kasama ko ay tumatawa na.

“Super pg kasi haha” panglalait naman ni Kyriel.

“Okay ka lang? Gusto mo ng tubig? “ sarap batukan ni Ethan eh noh! Ikaw kaya mabulunan tas tanongin kita kung okay ka lang ba? Kaimberna! At hindi tubig ang kailangan ko gusto ko kutsilyo at kakatayin ko si Kyriel tas isusunod ko si Drake panghuli yung waiter na yun!

Sarap sumigaw kaso sobra na ang kahihiyan ko kaya wag na lang. Tinignan ko si Drake sabay roll eyes bago pumunta sa banyo, I need to refresh. Pagkarating ko dun ay kaagad akong naghilamos at tinitigan ng mabuti ang reflection ko.

“Nakakainis! Urghh!!!” naglagay ako ng polbo sa mukha ko bago ko ipabagsak ang nakaponytail kong buhok. Kung iniinis niyo ako edi go! Kayo na! Panalo na kayo pero hindi ako talo duhh!

*clap.clap.clap*

“That was a good scene you know?”

“Yeah I know” sumbat ko naman kay Kyriel na nagfefeeling reyna ng banyo habang tumabi sa’kin at naglipstick ng pula na akala mo puputok na.

“Buti nakaya mo pa, George” then hinarap na niya ako. “Kasi dapat mong kayanin kasi baka dumating ang araw na mawawala na sayo si Drake, baka hindi mo kayanin” at tumayo siya na parang mangkukulam at tinalikuran ako. At ako, hindi ako papayag na magmukhang talo kaya pagkatalikod niya ay itinulak ko na siya ng buong lakas dahilan ng pagkabangga ng noo niya sa pinto with matching *Bang!*

“Hala sorry hindi ko sinasadiya, ayos ka lang ba?” Hindi ko na siya nilapitan kasi pumasok na ako sa cubicle dahil nakita ko kasi yung pagmove ng door knob.

At dahil sa sigurado akong puputok siya kaya nilock ko kaagad bago pa man niya pagpopok-pokin ang pinto ko, “You crazy bitch! Open this damn door! You! Urghhh!”

“Ahh, ate sorry hindi ko naman sinasadiya na maiwala ang necklace mo po eh!” sagot ko na nakangiting tagumpay.

“What?!” sagot niya sa labas habang ako ay pinipigilan ang tawa.

“Aba miss, patawarin mo na ang kapatid mo, necklace lang naman pala eh..sige na lumabas ka muna miss at ako ay magmi-milagro” Halos mamatay na ako sa kaka-imagine sa mukha ni Kyirel sa sinabi ng matanda.

“Yuck! How could you say that in front of a rich, beautiful girl like me, you’re ugly and disgusting! ewwww!!” sigaw ni Kyriel habang papalabas siya kaya dahan-dahan ko nang binuksan ang pinto at naabutan ang matanda na halatang nainsulto.

“Ang arte akala mo naman kung sino dyosa ang dumating na mas masahol pa sa asong baliw kung umasta” saad ni tanda.

“N-naku po pagpasensiyahan mo na ho si ate brat lang talaga yun, excuse me po” Then nakangiting tagumpay akong lumabas kaya lang narinig ko pa yung pag-burp ng bla bla nung matanda eh hahaha.

Kala mo siguro Kyriel madadaan mo ako sa mga banta mo tss, asa ka!

----------------------------------

AN

“Do not judge or you too will be judge”
Matthew 7:1
Panibagong update, panibagong verse!
Hi guys! Happy 1.28k! Love you all!!
- lovelots 💋

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon