Chapter 27

2.7K 76 6
                                    

George’s POV

Nagsidatingan na ang mga cousins, aunties and uncles, board of directors  at lahat-lahat na except kina Cindymon at yung real fiancée ni  Drake na Kyriel Visitacion daw ang pangalan. Medyo puno na rin ang car park ng mga Santiago pwera na lang sa mga kwarto ng mansion. Tsaka itong mansion sobra ang laki at ganda yung luxurious talaga na mansion. Siguro pag sa’kin ipagkatiwala tong mansion na to siguro ay pagbininta ko to billion ang matatanggap ko siguro ay mayaman na mayaman na ako.

Nga pala, andito kami sa dining room na ubod ng haba ang table na kasiya naman ang lahat kaso kung may kausap ka na nandun sa pinakadulo ay dapat mong sumigaw para marinig pero syempre dahil sa uso sa kanila ang ‘proper etiquette’ ay walang imik. Masasarap ang pagkain at talagang puno ang buong table kaso nakakaumay lang. Mas okay siguro yung katulad nang sa’min, simple lang at hindi ganun kasarap ang mga putahi na halos puro kanin lang yung makain pero Masaya.

“So ikakasal ka na pala Drake? At sa isang babae pa talaga na mukhang hindi babae” pang-aasar nung isa sa cousin niya, Blake siguro ang name.

Gwapo rin si Blake at halatang sa gym siya tumatambay dahil sa maskubadong katawan niya na walang-wala si Drake, kay Drake kasi parang baby muscles pa kung ikukumpara mo kay Blake.

“Hahaha That was a good one Blake! So what is your name again?” Tanong naman ni blonde man, Matthew ang name.

“George Martinez” pinilit kong palambutin ang boses ko pero matigas pa rin ang tuno kaya uminom na lang ako ng tubig.

“George? What a freaking name, it suck girl” sabi nung Jessica na kanina pa masama ang tingin sa’kin at nagtawanan sila.

Humigpit ang hawak ko kay Drake na nahahalata na rin ang tension, sigurado naman akong ayaw nila sa’kin dahil sa pananamit pa lang ay ayaw na ayaw na nila.

“Well actually its not Jess, her name is cool as she is…not like the other girls, so girly that sometimes it gives headache to a man like me, right Drake” ganito ba talaga ang buhay ni Drake? Palaging inaasar?

“Enough boys, Drake how come naging ganyan ka? I mean you’re gay back then..unless you’re just prete---“

“No tita, he’s already a man now at hindi marunong magpretend si Drake kaya ‘wag niyo na po siyang pagdudahan” saad ko kaagad kasi alam ko naman na ipapahiya niya lang si Drake tsaka mukhang maldita talaga sila at walang duda nagmana sa kaniya si Jessica ang anak niya.

“Am I talking to you?” tinitigan ako ng masama ni tita Evilly, as in EVIL! Katulad ng anak niya suss..sarap batukan.

“Hija, darling, pwede ba next time matuto ka namang magkaroon ng manners halata kasing walang pinag-aralan…pero may pinag-aralan ka naman, diba?” saad naman nung lola na kanina pa mainit ang dugo sa’kin, tss! Naa-asar na ako!!! Ayaw ko nang magpigil.

“Ahh ganun po ba? Pasensiya na po siguro po ay kailangan ko pang mag-aral nun di bali na po pagsisikapan ko ho, excuse lang po mukhang sad po si lola Rosalita eh papatawanin ko lang po” then umalis na ako, mas okay siguro kung sasamahan ko na lang si lola kasi kahit maldita yun love naman ako nun di tulad dito tch.

“Hey, are you okay?” Nginitian ko lang si Nash at naglakad na papunta sa kwarto ni lola.

Buti na lang at nabuhay pa si Drake sa ganitong klaseng pamilya. Asar pa lang nakakadepress na lalo pa kung pati aunties ni Drake ang mang-iinsulto. Pero bakit kaya hindi man lang pinagtanggol ng mga magulang niya si Drake? Tss, palibhasa busy sa pagentertain sa mga board of directors doon sa pinakadulo.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon