Chapter 32

2.6K 81 5
                                    


George’s POV

“Gusto kita bakla”

Hindi ko na inantay ang sagot niya at siniil ko na siya ng halik. Hindi ako marunong humalik pero pipilitin ko. Nung narealize na niya kung anong nangyari ay itinaas niya ang kamay niya siguro para itulak ako pero bago pa man niya ako itulak ay buong lakas ko itong pinigilan.

Yung feeling na parang ang saya-saya na ng puso ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman to mula nung iwan ako ni Nash. Na parang muling nabuhay ang puso ko, dahil wala akong ibang naririnig kundi ang pagtibok ng puso niya. Mahal ko nga siya, at alam kong hindi pwede to pero ito ang sinasabi ng puso ko at ito ang gusto kong sundin.

Bumitaw ako sa pagkakahalik at kaagad na tumayo at talikuran siya. Wala akong mukhang maihaharap sa kaniya. Lalakad na sana ako nang bigla siyang magsalita na nagpatigil ng paglakad ko at pagtibok ng puso ko na parang kakawala na ito sa dibdib ko.

“Hahalik-halik ka sa’kin tas hindi ka naman pala marunong humalik! Parang concrete ang paninigas ng labi mo hahaha yuck!” agad dumaloy ang dugo ko papunta sa pisngi ko, hindi dahil sa kininilig kundi dahil sa kahihiyan at galit kaya napatingin ako sa kaniya na nakakunot ang noo.

“EH SA NGAYON LANG AKO NAKAHALIK EH! NAKAKA---“ hindi ko na natapos nung bigla niya akong hilain papunta sa kaniya at siniil ako ng halik habang dilat ang mga mata ko.

“This is how lovers should kiss” bulong niya sa tenga ko at niyakap ang likuran ko at mas hinila pa palapit sa kaniya.

“Let me teach you” naramdaman ko na rin ang paggalaw ng mga labi niya kaya napagalaw na rin ang mga labi ko kasabay ang pagkapit ko kay Drake.

Sinabayan ko lang ang bawat kilos ng mga labi niya hanggang sa mas diinan niya pa ang paghalik sa’kin na nagpajelly ng tuhod ko. Di kalaunan ay biglang ipinasok ni bakla ang tongue niya dahilan ng pagsinghap ko. A-Anong nangyayari? Naramdaman ko ang pagkilos ng tongue niya sa loob ng bibig ko kaya naitulak ko siya kaagad.

Nakakunot na tinitigan ko siya habang nanginginig. Hindi pa ako ready sa jugs-jugs na yan…ganito kasi nagsisimula yung mga romance sa movies tapos ayun gumawa na ng kabulastugan. At ayoko kasi…dadating din ang araw na iiwan ko si bakla.

“Oh my goodness! W-what did I do? OMGGG!!” react ni bakla bago siya tumakbo papaalis.

Naguguluhang sinundan ko siya buti na lang at pakendeng-kendeng siya tumakbo kaya nahawakan ko ang kamay niya at kaagad na iniharap sa’kin, dumapo pa talaga ang mga kamay niya sa bandang shoulder ko, na parang ako yung lalaki at siya yung babae.

“Bakit ka tumakbo? Dapat ako yung tuma---“

“No! Hindi pa ako ready! Ayokong ibigay sayo ang virginity ko kaya dyan ka lang! ‘Wag mo na akong sundan!” then itinulak niya ako bago siya tumakbo papalayo sa’kin.

Habang ako, kunot ang noo. Yung tipong isang masculine na lalaki naging bakla na tumatakbo papalayo sa hanggang leeg niya lang na babae kasi ayaw niya pang makuha ang virginity niya at hindi pa siya ready. Ang bakla tingnan, my goodness! DRAKE MAGPAKALALAKI KA NA! ANG PANGIT TINGNAN ! YUCK!

So para saan yung nangyari kanina? Pangsamantala lang ba yung pagkalalaki niya? Kung ganun dapat sinulit ko na. Ayyy…maasar nga mamaya.

---------------------------

Kyriel’s POV

Where on earth is he? Nilibot ko na lahat but still no signs of him so tinext ko na lang ang alalay ko and seconds had passed ay papalapit na siya sa’kin so I sipped my wine and wave at her, of course she do the same.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon