Chapter 21

3.1K 88 0
                                    

*Ma'am Waffron's Office*

"Ma'am itatanong ko lang po kung bakit ako? Hindi naman ako kagandahn tas tingnan mo nga ako" tumayo pa at umikot para matingnan ni ma'am.

"Hmm, you're perfect but the problem is you can't see it" medyo loading ako dun.

"Well ako ma'am i have no problem with this as long as George will be my partner" sabi ni Nash with an innocent smile, tss!

"Good, pero matanong kita bakit gusto mo si George ang makapartner mo?" Ay tsismosa si ma'am! Hello!! Andito kaya ako!

"By the way her looks right now and how she freaked out? I find it challenging and i just wonder how she wear a pair of heels with some girly stuff" tinitigan ako ni Nash na ikinadeath glare ko.

Inaasar ba ako ng mokong na to? Porket hindi pa rin ako makamove on! Urghh! Pasalamat ka kundi kanina pa kita kinutusan diyan!

"Pinagtri-tripan niyo po ba ako ma'am? Kasi sa totoo lang asar na asar na po ako kaya kung pwede lang si Cindymon---Cindy na lang ang gawin niyong representative" naglingo-lingo lang si ma'am.

"I want you---"

"Ma'am babae po ako! Bihis lalaki lang pero babae po talaga ako!" Tinawanan ako ni Nash na binigyan naman ni ma'am ng pamatay na titig.

"I'm not pertaining to that---"

"Ang alin po?" Patay malisiyang pang-aasar ko and then bwala! Umusok na ang ilong ni ma'am na halatang nagtitimpi na.

"My decision is final you may now leave" parang gumuho ang mundo ko sa sinabi ni ma'am.

"Ma'am naman! Di ka na mabiro!" Tinaasan ako ng kilay ni ma'am habang si Nash naman ay hinawakan na ang kamay ko't hinahatak patayo pero kumapit ako sa table ni ma'am.

"Ma'am please! Magsisisi ka ho pag di mo ako pinayagang mag-out! Ma'am!" Tumango si ma'am kay Nash na parang sinasabi na siya na ang bahala.

Paano ko nalaman? Well binuhat lang naman ako ni Nash na parang isang sakong bigas kaya nagpupumiglas ako kaso nasa ire na ako kaya wala akong ibang nagawa kundi sumigaw.

"Ibaba mo nga ako! Ano ba! Makakatikim ka talaga ng kamao sa'kin!" Tinawanan lang ako ni Nash nang bigla siyang mapatigil.

"Bitawan mo siya Nash" bago pa man ako makareact ay nasa harap ko na si Carl bali nasa likuran na siya ni Nash.

"C-Carl?" Hindi na siya nagabalang sumagot kasi hinawakan niya ang kamay ko tapos nilagay sa leeg niya.

"Kumapit ka" bulong niya sa'kin bago niya ako hilain kaya ayun parang eksena ng dalawang ama na nagbubuhatan ng iisang anak at ako yun.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon