Chapter 58

2K 62 5
                                    

"Hmm" na-alimpungatan ako nang makaramdam ako ng small kisses sa palm ko.

Gago, sino to? Uupakan ko talaga to. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata na naga-adjust pa until sa ma-aninag ko si Drake na naka-upo sa kama while holding my hand.

"Good thing at gising ka na! Dinner is ready sweetie" out of know where, lumipad ang kamay ko sa batok niya.

"Ow! Grabeh ka naman sweetie ah" umupo ako at sapo-sapo ang noo then tiningnan siya ulit.

"Alam mo bang masama akong gisingin?" Kahit gusto ko tong taong to, hindi pa rin magbabago ang sakit kong naa-asar akong ginigising ako or ini-isturbo sa pagtulog ko.

"Right, i know naman eh kaso akala ko magbabago ka na since you love me na" napa-ngiti ako sarcastically, really dude?

"Pero over ka ha, small kisses yung binigay ko pero ikaw, isang malakas na batok? Hustisiya please?" Alam kong mabigat ang kamay ko pero kasalanan na niya yun.

Kamot-kamot ko ang ulo ko habang tumatayo tsaka hawak sa tyan ko. Na-amoy ko kasi yung beaf steak, hmmm...sarap ah.

"Kain na nga lang tayo, gutom na ako" hindi ko na siya inantay at sinunggaban na yung pagkain.

Kayo ba kaya? Sobrang pagod mo sa byahe kaka-upo sa private airplane ni Drake, sino ba namang hindi mapapagod. Tas, hahainan ka pa ng ganito kasarap na pagkain? Na amoy pa lang ay nakakatakam na? Gago na lang ang hindi pumatol.

"After this magsw-swimming ako, sama ka?" Puno ang bibig na nilingon ko siya.

Hmm, alangan naman at magpa-iwan ako? Dami kayang girls dun, baka pagkaguluhan siya kaya sasama ako.

"Okshemabrjcnru"

"What? Nguyain mo kaya muna ang food mo? Ang baboy nito" tiningnan ko siya ng masama bago nginuya ang food at uminom ng tubig.

"ANG SABI KO SASAMA AKO!"

"Geez! You don't have to shout babe" yan ang napapala mo basta tatawagin mo kong baboy!

After ko maligo and magbihis ng white dress na plain lang pero fit sa body ko ay lumabas na ako. While Drake is wearing a brown shorts and a sando kaya bakas ang body ng asawa ko.

"Dress huh, and since when ka natutong magdress?" I just rolled my eyes, fine! Sabi kasi ni Driana na maganda daw ang dress na white lalo na pag sunset na or gabi.

"Ano gusto mo? Magbikini ako? Tara na nga, dami mong napapansin" hihilain ko na sana siya kaya lang ay pinigilan niya ako.

"Oh bakit?" May dinukot siya sa bulsa ng shorts niya at inilabas nito ang anklet na may white rose sa gilid.

"Just wanna give you this" lumuhod siya at isinuot iyon sa paa ko then tiningnan ako.

"Perfect" at ayun, lag-lag na panty ko pero bago pa yun mangyari ay tumakbo na ako palabas.

Yup, iniwan ko siya. Gahhh! Umiinit ang pisngi ko, sheeemay! Di ko namalayang may sumusunod na rin siya sa'kin kaya tumigil na ako at nilingon siya.

"Ikaw ha, kinilig ka noh? Ang sweet ko kasi"tas nag-wink siya sa'kin with matching lip bite pa kaya napalo ko siya sa braso.

"Ang landi mo noh?" Nang-aakit ka pa talaga, sarap idagdag kaya lang baka lumaki pa ang ulo ng gago kaya mas better na kung shh lang ako.

"Ang sabihin mo, ang lakas lang talaga ng tama ko sayo" umarte ako na parang tinatangay ng hangin kaya naguluhan siya.

"Sensya na po kuya, ang hangin pala dito? Di ako aware" at nauna na akong maglakad.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon