Chapter 35

2.8K 83 1
                                    

George’s POV

*Kyriel x Cindy vs George x Driana*

“Oh ano? Ready na?” sigaw ni Drake na scorer.

Naglalaro kami ng volleyball para malaman kung magaling ba ako tapos ayun dumating bigla sina Kyriel at si Cindy kaya isinali na rin ni Drake para maganda daw, pssh!

“Ready!” sigaw namin.

Sinerve ni Driana ang bola at nasalo naman ni Cindy then papunta sa’kin ang bola kaya focus lang ako, nang papalapit na ang bola ay tinira ko ito pero sa kasamaang palad…pumunta kay Drake ang bola buti na lang at nakailag kundi goodbye.

“Ano ka ba naman George! Sina Kyriel ang kalaban mo hindi ako!” Sita ni Drake habang tinatawanan ako nina Kyriel.

Huhuhu! Eh sa tagilid talaga eh! Ipinasa ni Drake ang bola kina Kyriel at si Kyriel naman ngayon ang magse-serve. Bago ni sinerve ang binigyan ako ng kakaibang ngiti ni Kyriel that made me duda, may pinaplano ata siyang masama.

Sinerve na niya at pumunta sa direksyon ni Driana kaya ipinasa niya yun pabalik kay Kyriel. Tiningnan ko ng mabuti ang mga kilos ni Kyriel nang bigla siyang tumalon at nag-spike and then…

“George ilag!” papunta sa’kin ang bola, hindi na ako nakailag kasi sa bilis ng mga pangyayari kaya sapol sa mukha! Napaupo ako at hinawakan ang ilong ko, feeling ko kasi nabali siya eh!

“Oh my! I’m so sorry George! Are you alright?” approach ni Kyriel with a worried face, tss! Sabi ko na nga ba eh!

“Okay lang suss! Sige laro ulit tayo” ngumiti ako sa kanila at nagpatuloy kami sa laro.

Nang tumagal ay narealize ko na, hindi talaga ako para sa volleyball. Pulang-pula na ang mga kamay ko kakatama ng bola at syempre puno na ako ng galos kakahabol sa bola at ang pinakamalala ay ang pananadya ni Kyriel and Cindy na tamaan ang mukha ko. Sakit kaya! Gusto ko na ngang umiyak eh! Pero feel ko naman na alam na ni Drake yung mga nangyayari kaya itinigil na niya.

“Eh kung badminton kaya?” suggest ni Driana.

Then naglaro kami same partners pero sinasadya talaga nilang lakasan at taasan ang talbog ng shuttle cock na dahilan ng pagkatapisod ko sa paghahabol at pagkadapa. Syempre may mali din ako kasi hindi ko mahabol ang shuttle cock at nang-aagaw din ako ng pwesto kahit kay Driana yun. So tumigil na lang kami at nag-isip ulit.

“Chess kaya?” sambit ni driana na nagpa-ubo kay Drake.

“Chess is a mind game, so it means na para yun sa mga taong may utak hindi para sa mga taong kahit tamaan lang bola di pa magawa” sinimangutan ko siya at tinadyakan kaya napa’ouch’ siya.

Makapanglait!

“Right! How about Taekwondo?” kinunutan ko siya, taekwondo?

“Wala bang iba? Kasi for sure sa pageant rarampa siyang puro bugbog at wala nang ngipin dahil sa Taekwondo na yan, what if black belters ang kalaban nito?” binigyan ko ng death glare si Drake pero inirapan niya lang ako, what the heck!

Bakit hindi niya na lang sabihin na wala na talaga akong pag-asa! Hindi yung ipamukha at iparinig niya huhuhu!

“Running?” suggest na naman ni Driana.

“Baka tapos na yung iba bago siya maka-abot sa finish line” that’s it!

“Alam mo nakakainis ka na talaga Drake!” kita mong nahihirapan na nga ako eh!

“Bakit? Totoo naman diba? Advance lang talaga ako mag-isip di gaya mo!” dahil sa inis ko ay kinalimutan ko na si Driana at dinampot ang bola at binato sa kaniya.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon