Battle [2]

273 7 4
                                    

Battle [2]

Hahabulin ko pa sana si ms.cassandra pero pinigilan ako ni mary.

“uy mary sandali lang. ayoko dito”

“hayaan mo na”

“nga pala. May paguusapan pa tayo” magsasalita pa lang ulit ako nung hinablot na sya nung isa sa mga balasubas kanina.

“fist ano ba!” pagpupumiglas ni mary.

“sumunod ka nalang. Kailangan nating mag-usap” hinablot nya si mary palabas ng room. Susundan ko sana sila nung may humawak sa braso ko para pigilan ako. sya yung babaeng pinagtawanan nila balasubas kanina.

“kung ako sayo hindi ko na sila susundan, hindi mo gugustuhing magalit ang isa sa dark angel” tinignan ko lang sya.

“ako nga pala si gin” mula sa seryosong boses niya ay mas naging bubbly na sya.

“ako si scar” nginitian niya ko bago magsalita ulit.

“alam mo ngayon ko lang ulit nakitang may kasamang babae ang dark angel. And to surprise me hinila pa ni fist yung isa mong kasama” magsasalita palang ako nang makarinig kami ng ingay mula sa likod.

“hindi ba sinabi kong ayokong may umuupo sa upuan ko?! then why the fck are you sitting on my fcking chair?!”

“s-sorry po mr.smith, sorry po talaga. Sorry po, sorry” halos mangiyak ngiyak at nanginginig pang sabi ng lalaki habang tumatayo mula sa pagkakaupo sa upuang pagmamay-ari daw nung balasubas na yun.

“sino ba sila dito” mahinang bulong ko na narinig naman ni gin.

“dark angel, sila ang dark angel” I gave her my confused look. Dark angel ano ba talaga sila?

“I’m sorry scar. Trust me, hindi mo gugustuhing kilalanin sila. Especially that bastard gun aaeron smith”

“hey gin! I’ve heard what you’ve said, I’m not a fcking bastard!” sigaw ni gun galing sa likodkung saan naman tumawa lang si gin. Ano bang nangyayari? Wala akong maintindihan.

“see. I told you, he’s a bastard”

Battle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon