Battle [24] somewhere down the road Part I

162 6 1
                                    

Battle [24] somewhere down the road

Kinuha ko yung first aid kit ko bago lumabas ng pinto. Pag labas ko nakita ko sya nakasandal sa pader sa tapat ng pinto ko.

“gun” mahinang sabi ko. he slowly turned his head up. Mas lalo kong nakita yung mga pasa sa mukha nya.

Mga sugat at namuong dugo.

“tara na” naglakad sya papuntang elevator habang ako nilolock pa yung pinto. Kahit kelan talaga. Hindi marunong mag hintay tong balasubas na to. pagpasok namin sa elevator walang nagsasalita.

Okay. Spell awkward.

Walang nagsasalita saming dalawa nung bigla ko nalang naalala yung nangyari kanina. sht. Bakit kasi sa dinami dami ng babagsakan ko sa ibabaw nya pa talaga? Tumingin ako sa salamin ng elevator. And there I saw my face. Mukha akong kamatis! Pumikit ako at huminga ng malalim sabay yuko. Scar kalma.

“okay ka lang?”

“ay ibabaw!”

“what? anong ibabaw?”

“i-ibabaw? M-may sinabi ba kong ibabaw?”

“you just said it”

“w-wala yun! dun ka na nga!” floor 10 na. 8 floors nalang nalang nasa parking na kayo. Scar kalma.

“wait. Don’t tell me. . .” unti-unti syang lumapit sakin. Lord mamatay ata ako ng maaga dahil sa lalaking to.

“b-bakit? Sinasabi ko sayo gun aaeron smith! Dyan ka lang. wag kang lalapit” a smirk formed in his lips. At parang wala syang naririnig dahil patuloy lang sya sa pag lapit.

Now we’re inches away.

“don’t tell me. . “ my back at the elevator glass and him inches away from me. Tulungan nyo ko! hindi ako makahinga.

“don’t tell you what?!”

“don’t tell me. You . .—“

*TING*

 

Ohmyholythankyouverymuchlord

Battle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon