Battle [4]
Nakayuko akong pumasok sa gate ng AWU. Today is Wednesday. Mamaya pwede na kong maglipat ng gamit sa condo ni kuya. Nasan na kaya si mary? Simula nung Monday hindi parin kami nakakapgusap. Wtf did that fist told her? Naglakad lakad lang ako. I decided na iangat nalang ang ulo ko. ano bang ikakahiya ko? sag nada kong to mahihiya pa ba ko? tss. I am walking when somebody cling into my arms. Si gin.
“hi! Mag isa ka lang?” she smiled at me. A very sweet smile. I wonder kung anong nasa likod ng mga ngiting yan. I miled back.
“uh yes.” There’s an awkward silence between us while we’re walking sa campus ng AWU.
“gusto mong i-tour kita?” she asked me.
“sure” matatanggihan ko ba yun? first, ngayon palang ako makakapaglibot totally sa campus ng AWU since iniiwasan ako ni mary. I can see eyes staring towards us. What? ano nanaman?
“uh bakit sila nakatingin satin?” seriously. I’m still confused. Ang weird ng school na to and ang weird ng mga tao dito..
“just let them be” I just nodded and we headed our way sa isang malaking hallway. My mouth suddenly fall down. As in napanganga ako. sobrang laki pala talaga ng school na to.
“ito ang canteen. As you can see hindi lahat ng students dito pumupunta. Merong nasa open field tapos yung iba nasa labas ng school”
“what d’you mean nasa labas ng school?”
“open gate”
“hinahayaan nilang lumabas ang mga estudyante dito?!”
“choice ng mga estudyante kung gusto nilang mag-aral grumaduate o makapasa. Choice din ng mga estudyante dito kung gusto nilang mapahamak o hindi. Lahat ng bagay sa paaralang ito umiikot sa sarili mong desisyon” bakit ba naisipan ni kuya na dito ako ipasok?
“pero sa case ng dark angel. They need to pass. They have their own choices and decisions. And alam nila ang bawat consequence ng pagkakamaling magagawa nila” I looked at her. Nagawa nya pa talaga ngumiti habang kine-kwento sakin ang mga bagay nayan ha?
“bakit mo ba sinasabi sakin lahat ng to?”
“I know about the task” gulat ko syang tinignan.
“mahirap bantayan si gun. Once I tried but then I failed. Tanging si ate cass lang ang kayang makapag patino sakanya”
“matino pa sya sa lagay nay yun ha?” hinablot nanaman nya ko. lumabas kami ng canteen
“mag usap tayo sa ibang lugar. Lika sa gym” hinayaan ko lang syang dalhin ako sa gym. Habang naglalakad kami tinitignan ko yung dinadaanan namin.
“wait. Parang off limits yata yung lugar na pupuntahan natin?” napansin ko kasing paluma na ng paluma ang mga room na dinadaanan namin.
“oh I forgot. Sa lumang gym pala tayo pupunta” lumang gym? Wait! Sa sobrang lalim ng iniisip ko. hindi ko napansin na wala nap ala kami sa main building ng AWU. Habang nilalakbay namin tong lumang building nakita kong sumeryoso ang mukha ni gin.
“hey okay ka lang?”
“yes” again. She smiled at me.
Lumang upuan, lumang classroom. Luma lahat. Halatang hindi na nga talaga ginagamit ang building na to. how come nakakapasok si gin dito? Habang naglalakad kami may nadaanan kaming bulletin board. May mga lumang picture dun kaya huminto ako sa paglalakad. Humarap ako sa bulletin board at tinignan ang mga pictures dun. Luma na, puro alikabok. Pupunasan ko sana kaya lang hinila na ako ni gin.
Nasa harap kami ng isang malaking pinto. Nakalock, naka kadena.
“pano tayo makakapasok dyan?” nginitian nya lang ako atsaka nya kinalkal ang bag nya.
“here” nagulat ako ng may nilabas syang kumpol ng susi.
Kinuha nya ang isang susi na may pangalang ‘gym’ unti unti nyang tinanggal ang kadena. Halos maubo na ko sa alikabok ng buksan nya ang pinto ng madilim na gym. Pumasok sya sa loob at hinila pababa ang switch. At doon tumambad sakin ang napakaduming bleachers, mga bolang halatang matagal nang hindi nagagamit, mga trophies na puro alikabok na. and to surprise me. May limang mlalaking banner ng limang basketball player na naka jersey uniform ng AWU. Wait kilala ko sila.
Si first, tof,blizz,gun at
KUYA?!
Xxx
Itutuloy . . .

BINABASA MO ANG
Battle Of Love
Teen Fiction"If loving him will cause me pain then i'll be willing to die not just physically but also mentally and emotionally" -scar