Battle [34] My life saver

182 6 3
                                    

Battle [34] My life saver

Nakatitig lang ako kay gun. ano bang gagawin ko sa taong to? iiyak ba ko? iiwan ko ba to mag isa dito? kaya ko bang gawin yun? 

"ito bang gagong to?" nagulat ako sa nagsalita sa likuran ko. si mike. 

"lika na, iuwi na natin to" hindi ako nagsalita pinanood ko lang syang akayin si gun papunta sa kotse nya. 

"saan ba?" tanong niya sakin habang nagda-drive. tinuro ko yung daan ng hindi nagsasalita. wala akong masabi. daig ko pa ang isang bata na natrauma sa isang aksidente. 

"okay ka lang?" umiling ako. ayokong magsinungaling, dahil kahit naman sabihin kong okay ako hindi sya maniniwala. huminto kami sa tapat ng lounge ng condo. bumaba ako ng sasakyan atsaka niya binababa si gun. i leaded the way paakyat ng 18th floor. alam ko mabigat si gun kaya malamang sa malamang nahihirapan si mike.

"tulungan na kita"

"kaya ko na" habang umaakyat pataas yung elevator tinignan ko yung reflection ko sa salamin. wasted. daig ko pa yata itsura ng taong nagda-drugs. adn i saw the refleection of thethird looking at me.

"what?"

"ayusin mo nga sarili mo"

"maayos naman" biglang bumukas yung elevator kaya naglakad na ko papunta sa condo unit ni gun. tinype ko yung passcode nya.

"unit mo?" 

"unit ng lalaking hawak mo" pinasok namin sa loob si gun. at napa what the fvck nalang ako sa nakita ko. 

puro alak, basag na bote, ang gulo ng condo nya. napailing nalang ako sabay pulot ng mga maruruming damit na naka-kalat sa sofa nya. 

"ihiga mo nalang sya dito, pwede ka nang umalis. salamat" diretsong sabi ko. pero nagulat ako nung bigla niya kong hinila palabas ng unit ni gun.

"pareho tayong aalis"

"babantayan ko siya"

"hayaan mo siya" wala akong lakas para kumalas sa pagkakahila nya kaya nagpadala nalang din ako. hindi siya nagsasalita, hindi din ako nagsasalita. 

Battle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon