Battle [32]
Kung sa mga teleserye hinahayaan lang ng mga babaeng mag walk out ang mga lalaki, pwes ako hindi! pinulot ko yung excuse slip atska tumakbo para habulin siya.
"hoy smith!" aba't parang walang naririnig.
"gun!" nabingi na ba to ng tuluyan? binilisan ko yung takbo ko atsaka sumampa sa likod nya.
"t*ngna bumababa ka nga dyan mabigat"
"hindi ako bababa dito"
"ilalaglag kita" sabay lakad nya papunta sa railings ng hallways.
"o-oyy. joke lang hehe. bababa na nga eh" bumababa ako sa likod nya tapos nagumpisa nanaman syang maglakad.
"huy gun, sorry na" napatigil sya sa paglalakad so i smiled. kaso nawala yung ngiti ko nung lumakad nanaman sya
"uy sorry na kasi" parang di niya ko pinapakinggan.
"gun, sorry na" para syang bingi, siguro kasi kahit kailan hindi nya naman talaga ako papakinggan.
tumigil ako sa paglalakad
pinikit ko yung mga mata ko
tumalikod ako at naglakad pabalik ng canteen
wag ka na kasing umasa scar. anong laban mo sa taong wala na nga pero kung mahalin parang buhay na buhay pa? habang naglalakad ako pabalik di ko alam pero bigla nalang may tubig na lumabas sa mga mata ko. ang babaw mo naman scar, para yan lang iiyak ka. eh ano naman kung hindi ka pinapakinggan? umpisa pa lang naman alam mo nang si aya yung mahal nyan eh. wag mo kasi ipilit.
malayo pa ba? ganito pala kalayo yung tinakbo ko para lang habulin sya tapos wala din akong napala.
konti nalang scar, natatanaw ko na yung pinto ng canteen, konting konti nalang.
"subukan mong pumasok ulit dyan, hinding hindi mo na ko makikitang papasok" napatigil ako sa narinig ko at nagulat dahil may kamay na humablot sa kamay ko.
san nya ba ako dadalhin? hinayaan ko lang sya na hablutin ako. yan tayo eh, hinahayaan ko lang syang gawin nya lahat ng gusto nyang gawin sakin. scar huminto ka. scar bumitaw ka.
BINABASA MO ANG
Battle Of Love
Teen Fiction"If loving him will cause me pain then i'll be willing to die not just physically but also mentally and emotionally" -scar