Battle [12]

220 5 2
                                    

guys listen to the song sa gilid habang binabasa nyo to :)

Battle [12]

“scarlette?!”

“oo nga kuya diba paulit ulit?!” nagpatuloy nalang akong kumain kunyari wala akong pake sakanya.

“bro. eto girlfriend mo? Di ako naniniwala” tinignan ko sya ng masama. Habang ang asungot na si gun ay tawa padin ng tawa.

“may nakakatawa ba ha?!” inis kong sabi.

“seriously bro. eto girlfriend mo? Hindi talaga ako naniniwala. Hindi mo type mga kagaya ng kapatid ko” umupo si kuya sa tabi ko at inakbayan ako.

“una, hindi sya ganun kaganda kagaya ng mga nagiging babae mo, pangalawa hindi sexy to. payat to eh. Higit sa lahat. Flat screen to” tinggal ko yung pag kakaakbay sakin ni kuya at tinignan sya ng masama.

 

“wow kuya ha. Thank you. Grabe maraming salamat. Nang dahil sa sinabi mo tumaas ang self esteem ko. wooh grabe! The best ka talaga” sarcastic kong sabi. Ako hindi maganda?! Head turner ang beauty ko. isa ako payat?! Hello! May curves ako no! ang lastly. FLAT SCREEN?! AKO?! FLAT CHESTED?!

Oo nga . . . pero atleast hindi ako gumagamit ng bra na napakalaki ng foam para lang mag kalaman ang ano ko! hmnmp. Tumawa lang sya at hindi ako pinansin. Instead kinausap nya ang balasubas na nasa harap ko.

“kamusta bro?”

“mas gwapo padin sayo” napailing nalang si kuya sa sinagot ni asungot.

“ang laki ng pinagbago mo ron. Totoy ka pa 2years ago” may mapaglarong sabi ni kuya.

“lul shield. Pambata lang yung ron” ron?!

“yan yung gusto ko, pagnapipikon ka. ron”

“ulul” di makapaniwalang sabi ni gun. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. hello?! Di kaya ako makarelate sa mga pinaguusapan nila. Pero wait! I forgot to ask something.

“magkakilala kayong dalawa?” tinignan lang nila ako at bumalik sila sa pinaguusapan nila. Wow. Thank you. Ang dami kong nakuhang sagot oh.

Battle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon