Battle [10]

208 6 4
                                    

Battle [10]

Tulala akong naglalakad papasok ng awu. Ok. Tama sya. kiss lang yun. oo halik lang. HALIK. Nila-lang nya lang yung halik?! Bakit araw araw bas yang humahalik ng babae para langlangin nya lang yun?! bastos talaga. Pumasok ako sa room ng st.michael

“nasan si gin?!” walang nagsasalita ni isa sa kanila. Lumabas ako ng room. Wala akong mapapala dito. Umakyat ako sa 3rd floor para sa dark room. Scarlette nababaliw ka na talaga. Alam mo bang hindi ka makakalabas ng buhay sa oras na pumasok ka sa kwartong yun ha?! Binuksan ko ang pinto. Natigilan ako sa mga nakita ko

Magulo

 

May mga basag na bote

 

At si tof na galit na galit

Nakatitig silang lahat sakin. Nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko ang pagpasok ko. pero tinalo ng utak ko lahat ng nararamdaman ko. pumasok ako at hinila si gin palabas.

“gin ayoko na!”

“scar wag ngayon. Hindi mo ba nakikita si tof?! Pwede syang makapatay ng tao kahit anong oras!” hinigpitan ko pa ang kapit ko sa braso nya. Pero sobrang lakas nya. Nagpumiglas sya at tumakbo pabalik sa kwarto. Babae ba talaga sya? pano nya nagagawang maging ganun kalakas? Sinundan ko sya papasok sa dark room. And there I saw kristofer drake Salvador crying.

 

“tangina naman eh. Magpapaalam lang sya sakin. Tangina gin. Magpapaalam lang sya, ganun ba kahirap yun?!” hindi umimik si gin instead niyakap nya si tof.

“tof kumalma ka muna. Tatawagan ka din ni cass mamaya” palapit palang ako nang may humablot na sakin. Si blizz.

“ano ba! San mo ba ko dadalhin?!” hindi siya umiimik. Hinila nya nalang ako palabas ng dark room.

“hoy ano ba!” huminto sya sa paglalakad at binitawan ako.

 

“sino ka ba. Bakit ka ba nangingielam?”

“hindi ko kayo pinapakielaman!”

“wag mo lang subukan. Ngayon palang lumabas ka na sa buhay naming apat. Sa buhay ni gun” unti unti siyang tumalikod at iniwan akong naguguluhan. Biruin mo yun?! nasaksihan kong umiyak ang isa sa dark angel. Wow scar. Legend ka na. pero bakit imbis na matuwa ako eh naawa pa ko? naglakad ako pababa ng hagdan. Nung may nakasalubong ako. imposible.

Kamukhang kamukha nya yung lalaking nasa profile ni fist. Which is according to gin ay si fist 2 years ago. Sabihin na nating may edad na sya. pero kamukhang kamukha nya si fist. Fist older version?

“good morning po mr.principal” tinignan nya ko.

“wow. Alam mong principal ako? sa lahat ng estudyanteng nadaanan ko ikaw lang ang bumati sakin”

“kayo po ba yung father ni fist?” ok alam kong may pagka chismosa ako.

“uh yes. Kaso mas gwapo ako sa anak ko.” nakangiting sabi pa nya. Seryoso ba to? pinipigilan ko yung sarili ko sa pag tawa. Pfft.

“pfft. Hahahahahahahhahahahahahahahahahahahahhahahaha”

“iha anong nakakatawa?”

“pfft. Haha w-wala po hahaha w-wala po”

“okay” dumiretso sa paglakad pero binalikan ulit ako.

“girlfriend ka ba ng anak ko?” napatulala ako sa tanong nya. Ako girlfriend ng anak nya?! Pwede bang mamatay muna ako bago ako maging girlfriend nun? Nagpapatawa yata to.

“mr. principal ayos lang po ba kayo?”

“oo naman”

“seryoso po kayo?”

“mukha ba kong nag jo-joke?” tatawa na ba ko?

“sa gwapo ko tong mukha akong joker? Grabe naman” di lang pala sya joker mahangin din.

“sir mawalang galang na po ah? Di ko po gugustuhing maging girlfriend ng anak nyo”

 

“ha? Ang gwapo ng anak ko! manang mana sakin tapos aayawan mo? Wag ganun” matawa tawang sabi pa nya.

“hindi ko po boyfriend si fist” magalang na sabi ko.

“kasi tito. Girlfriend ko sya” nagulat ako sa narinig ko pati narin sa taong umakbay sakin.

 

g-gun

“diba baby?”

 

Holy mother of god.

 

Help me and bless my soul

xxxxxxxxxxxx

itutuloy . . mabjsvajsvajdvuavdjoa'

saj hahahahahha

Battle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon