Battle [26]

121 5 0
                                    

Battle [26]

i was left here alone, iniwan niya talaga ako.  I tried to call gin pero hindi niya sinasagot sa tingin ko kasama niya din sila gun. at eto ako ngayon. nakatitig lang kay ateng naglilinis ng mga tira tirang pagkain. akala ko ba babalikan niya ko? t*ngin* gun. nasan ka na? 

"uh miss. magsasara na po kasi kami"

"ah- ha?"

"sabi ko magsasara na po kami. pasensya na po"

"ah sige salamat"

"pasensya na po talaga" nginitian ko nalang siya atsaka tumayo.

"uh miss?" nilingon ko ulit siya dahil sa pagtawag niya

"may cafe po diyan sa kabilang kanto. pwede po kayong mag stay dun kahit anong oras. kung gusto nyo lang naman po. parang may inaantay po kasi kayo eh" oo nga may inaantay ako, at mukha di na dadating yon.

"sige. salamat" 

umalis na ko dun sa tindahan ng bulalo atsaka hinanap yung cafe na sinasabi ni ate. tama siya kabilang kanto lang. hindi siya kagaya ng mga ordinaryong cafe na mahal ang mga tinda di rin siya airconditioned. ayos lang. normal lang. may mga tindang tinapay at syempre kape, kaya nga tinawag na cafe diba? aish! ano ba nangyayari sakin? pati sarili ko binabara ko na. sinubukan kong maghanap ng cheesecake pero mukhang wala naman.

"uh isang ensaymada at kapeng barako po" sabi ko sa matandang babae. 

"aba ke ganda naman ng babaeng ere. isang ensaymada at kapeng barako. michael! ensaymada at barako order ng magandang binibini" i smiled with what she said. 

"dis oras na ng gabi iha, aba eh bakit mag isa ka? wala ka bang kasama?" tanong niya habang nagbabayad ako. pansin ko din na ako na nga lang ang tao dito. tinignan ko yung oras at magaalas dose na pala. ilang oras ko na bang hinihintay yung gagong yun? babalikan niya pa kaya ako? 

"may inaantay po kasi ako"

"aba ang magaganda binibining kagaya mo ay hindi dapat pinaghihintay" 

"sana nga po naiisip niya rin yan" iniiabot niya sakin yung sukli atsaka muling nagsalita.

"ayos lamang bang makipagkwentuhan sa'yo?" tumango ako at ngumiti. ngayon ko lang narealize na ang cute ng accent ng mga taga tagaytay at batanggueno. naupo kami sa may bandang gilid kung san nakaharap sa bintana. 

Battle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon