Battle [31]
*uy faith daw. sino si faith?*
*ang pogi. san kaya siya galing?*
habang nagbubulungan yung mga kaklase namin na hindi rin naman namin nakakausap o should i say takot kausapin kami at insecure samin. based on what mary said yan no! dahan dahan akong umupo sa upuan ko.
"ow-kay so maiwan ko na kayo. gutom na ko"
sabi ni mr. sandoval atsaka tumawa. weird, ganyan din kaya ka weird si fist? wth. kung weird ang magulang ni fist gano pa kaya ka weird ang magulang nila gun at bakit ganito ang kinalabasan nila? isang babaero,isang ganster na tanga sa pagibig, isang lalaking inlove sa mas matanda sakanya at isang lalaking misteryoso? di ko lang talaga alam kung pano idescribe si baba ngayon.
nagulat ako nung biglang may humila ng upuan papunta sa right side ko.
"oh pinapabigay ni lola" may inabot sya saking isang box.
"ano to?"
"eh kung binuksan mo kaya para malaman mo?" sinamaan ko siya ng tingin.
"bakit dyan ka ba nakaupo ha?!"
"wala namang seat plan tong bago KONG classroom, tapos sabi nung principal bago umalis I CAN SIT WHEREVER I WANT"
"sit my ass mr.thethird" sabi ko habang binubuksan yung box. pagbukas ko ng box nakakita ako ng madaming ensaymada pati dalawang garapon ng kapeng barako.
"mahal yan tapos binigay ni lola sayo ng libre? ibang klase"
"mas mahal kasi ako ng lola mo kesa sayo bleeeeh"
"isip bata"
"palibhasa isip matanda"
"ehem ehem" pagubo nung tao sa kanan ko kaya napahinto kami sa pagaaway.
"hi, ako nga pala si mary. bestfriend ni scar" tinaasan siya ng kilay ni michael, hindi man lang nagpakilala bastos.
"scar? sorry miss pero wala akong kilalang scar"
BINABASA MO ANG
Battle Of Love
Teen Fiction"If loving him will cause me pain then i'll be willing to die not just physically but also mentally and emotionally" -scar