Battle [28]

160 5 0
                                    

Battle [28]

pumasok kami ni mary kinabukasan na parang wala lang, nanghiram muna ako ng uniform sakanya at since kilala na ko ni manong guard pinapasok niya na ko kahit walang ID. hindi kagaya dati. pagpasok na pagpasok ko palang problema nanaman yung sumalubong sakin. wala na ba talagang katapusan to?!

"oh anong tinitingin tingin niyo diyan?! ngayon lang kayo nakakita ng magaganda?" 

"mary" 

"eh mga insecure tong mga to eh. oh ano? kahit titigan nyo kami mula ulo hanggang paa magaganda kami, eh kayo? mula ulo mukhang paa!" sabay hablot niya sakin papunta sa room ng st.michael. makalimut limutan ko na nagkalat nga pala yung picture namin sa UW. habang naglalakad kami papunta sa st.michael may naririnig akong nagbubulungan

'diba siya lang naman yung kasama ni gun kagabi?'

'oo grabe nakita mo yung pagmumukha ni gun?'

'may mga pasa nanaman. mas malala pa ngayon'

pasa? mas malala pa? sht. bakit hindi ko man lang yun napansin habang kausap siya kagabi?! sht scar galit ka kay gun. galit ka. eh ano naman kung may mga pasa siya? hayaan mo siya. ginusto niya naman yun. 

"wag ka makikinig sakanila. kahit mahal mo y--"

"mary!"

"what? nagsasabi lang ako ng totoo!"

"i knew it dapat hindi ko na sinasabi sa'yo" a playful smile formed on her lips.

"stop mocking me"

"i'm not" i'm sure hindi nanaman ako titigilan nito. pinagsisisihan ko talaga yung mga nasabi ko kagabi. 

*flashback*

"buti nalang hindi siya tanga para magpakamatay dahil gago siya sa impyerno siya pupunta"

baka ako din, di ko na din alam kung anong pwede kong gawin sa lahat ng nalaman ko.  

"hoy tulala ka! what's with the questions ha? don't tell meeee"

"curious lang ako sa pagkamatay nung aya na yan no!"

Battle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon