Battle [1]

398 8 15
                                    

Battle [1]

Naglalakad ako at inuusisa ang bawat gusali sa eskwalahang papasukan ko. ako si scarlette faith delprado. Kasama ko ang bestfriend kong si mary. Nandito kami sa ‘angel’s wing university’ dahil dito lang naman kami pinasok ng napakagaling kong kuya! Pagpasok namin ni mary hinawakan ko ang manggas ng uniform nya. Ok. I’ll admit it. Malaki. Maganda. Malinis at talagang pang elite tong school na ito kung titignan mo. And as far as I know. My kuya graduated here.

“mary alam mo ba dito?”

“hindi. Sabi ni kuya shield pumunta daw tayo sa principal’s office para kunin yung schedule natin”

“alam mo ba kung san yung principal’s office?”

“seriously scar?! Bago lang tayo dito tapos itatanong mo kung alam ko?! syempre hindi!”

“sorry naman. magtanong nalang tayo” sabi ko pa sakanya pero paglingon ay wala na sya sa tabi ko. nilinga linga ko yung paningin ko at nakita ko syang may kausap na pogi. Lumapit ako sakanila tapos kinurot si mary. Ang landi talaga nito!

“so as I was saying, pwede mo bang ituro samin kung saan yung principal’s office? Bago lang kasi kami dito” sabi nya sa lalaking kausap nya

“ah sige. Gusto nyo samahan ko na kayo?”pang aalok pa nung lalaki. Hihindi n asana ako dahil nakakahiya pero agad namang um-oo si mary! Tss.

Habang naglalakad kami papunta sa principal’s office biglang tumunog yung mga speaker. May babaeng nagsasalita halata sa boses nya na galit sya.

“dark angel proceed to the principal’s office. Now! I’m giving you 30 seconds. Pag hindi kayo dumating dito patay kayong apat sakin! Aaaarhg!” sigaw nung babae sa speaker. Hindi kaya sya yung principal? Dark angel? Ano naman kaya yun? ang dami namang alam nitong school na to.

“patay” sabi nung lalaking kasama namin ni mary

“ah ano. Pasensya na kayo, hindi ko nap ala kayo masasamahan sa principal’s office. Ganito nalang, paglagpas niyo nitong corridor na to kumanan kayo tapos diretsuhin nyo . tapos pag may nakita kayong malaking pinto yun na yung principal’s office . sige maiwan ko na kayo” agad agad tumakbo yung lalaki palayo samin anong problema nun? Di nalang namin sya pinansin at sinunod nalang namin ni mary yung sinabi nya.

Nasa labas na kami ng malaking pinto ng principal’s office nung may narinig kaming sumisigaw na babae.

“gun,tof,fist at blizz! Ano nanaman to?!” nagdadalawang isip ako kung kakatok ako dahil sa sigaw ng babae pero naunahan na ko ni mary

Battle Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon