Chapter 3

231 10 1
                                    

Ethan's P.O.V

Nasa parking lot ako ngayon at as usual pinagkakaguluhan nanaman ako ng mga babae. Psh.

"Hiii Ethannnn!!"

"Ang gwapo moooooo wahhh!"

"Kyah notice meee plssss!"

Yan ang ilan sa mga narinig kong hiyawan ng mga babae sa paligid ko.

'Tss..ngayon lang ba sila nakakita ng napakagwapong nilalang?..psh'

Umagang- umaga ang iingay. Pero sanay naman na ako eh..hindi sa pagmamayabang ha? Simula pa nung bata ako ay pinagkakaguluhan na talaga ako ng mga babae kahit na mas matanda pa sakin ito. Tss.

Nasa hallway na ako ngayon at pumunta sa locker ko para kunin yung iba kong gamit dun...pagkabukas ko nun ay tumambad saakin ang napakaraming love letters

'Tss'

Ginilid ko muna yung mga yun dahil nakaharang ito sa mga gamit ko...Pagkasara ko ng locker ko ay nahagip ng mata ko sina Blaire. Pero bakit kasama niya si Aiden?

'Magkaibigan ba sila?!'

Lumapit ako sakanila at habang naglalakad ako ay nagkatinginan kami ni Blaire.Psh
Nagderetso lang ako at nung malapit na ako sakanila ay tinaas ko ang kamay ko upang makipag high-five kay Aiden.

Blaire's P.O.V

Habang papalapit si Ethan samin ay bigla nitong tinaas ang kamay niya na parang makikipag high-five. Dahil sakin siya nakatingin ay inassume ko na saakin siya makikipag high-five kaya itinaas ko din ang kamay ko

Pero laking gulat ko ng lumampas ito saakin at dinaanan ang kamay ko na nakataas sa ere.

'WTF?'

"Yow dude" Tukoy nito kay Aiden at nag high-five sila. "Bakit kasama mo sila?"

"Nakita ko kasi kanina si Blaire kaya sumabay na ako sakanya papunta dito" Sagot ni Aiden.

"Kaibigan mo?"

"Obvious ba? -_-"

"Hinde. Kaya nga tinatanong ko diba tsk" Sabat ni Ethan.

'Psh'

"Aiden.." Tawag ko sakanya. "Mauna na kami"

"Ahh sige"

Pumunta na kami sa room namin at saakin nanaman nabaling ang atensiyon nila.Psh

"Asa din si ateh kanina eh bwahahaha" Si Carl.

"Assumera amputek!! Bwahahaha" Singit naman ni Shyra.

'Peste!!'

Dumating na Si Mrs. Cruz na teacher namin sa Science kaya nanahimik na kami

"Arrange your chairs one seat apart" Ani niya.

'What??'

"We will have a quiz"

"Ma'am naman!!"

"Wala ka namang sinabi na may quiz ma'am eh!!"

Tss. Kung ako sainyo manahimik nalang kayo, wala naman kayong magagawa eh kahit magreklamo pa kayo diyan. Psh

Dinistribute na saamin yung mga test paper kaya sinimulan ko nang sumagot. Pagkabasa ko nung unang tanong ay halos manlumo ako dahil hindi ko na maala kung ano yon.

'Aishh!! Wrong timing naman tong quiz na to eh!!'

Katatapos ko lang mapahiya kanina tas tong quiz naman tsk!! Wooh utak makisama ka naman oh!! Tangina

Dumaan ang ilang minuto at natapos ko din yun.

'Hayss buti nalang may stock knowledge pa ako hehehe'

B R E A K T I M E...

Pumunta na kami sa cafeteria at nag order ng pagkain malamang. Tss...

"Bwiset yung lec. na yun!! May pa surprise quiz pang nalalaman grrr" wika ni Chloe.

"Sarap isungalngal sakanya yung test paper eh peste!!"

"Qiqil niya ako tangina!" Si Elyza.

Sa totoo lang kanina pa ako nagtitimpi kay ma'am eh. Hindi ko lang kasi mapatulan kasi nga teacher..alam niyo na, yung grades ko baka manganib

Natigilan kami sa pagkain ng may tumawag sakin...

"Blaire!!" Lumingon ako dun sa pinanggalingan ng boses at natanaw ko si Aiden. "Pwede ba akong makisabay sainyo?"

"Oo naman yes" Sagot ko sakanya. "Dito ka na" Tinuro ko yung upuan sa tabi ko.

"Thanks" Aniya.

Ethan's P.O.V

Papunta na kaming cafeteria ngayon...

"Woi bat wala si Aiden?" Tanong ni Jackson.

"Aba malay ko"

Habang naglalakad kami sa hallway ay may mga tumitili at may mga kinikilig na babae. Si Jackson naman ay kinakawayan ang mga to. Tsk.

"Punta muna ako sa CR..mauna na kayo dun" Singit ni Jayden.

"Bilisan mo"

Pagkapasok namin sa cafeteria ay nahagip ng mata ko sina Blaire.

'Kaya naman pala wala eh...tsk!'

"Bro close ba si Aiden at Blaire?" Tanong ni Jackson.

"I think so.."

Ilang minuto ang lumipas at dumating na si Jayden.

"Bat antagal mo? Tumae ka ba?" Si Jackson.

"Gago hinde -_-" Sagot ni Jayden.

"Tumigil nga kayong magkambal diyan..pag-untugin ko ulo niyo eh"

"Tss.." Singhal sakin ni Jackson.

"Teka..nasan si Aiden?" Tanong ni Jayden.

"Ayun oh" Tinuro ni Jackson si Aiden na kasalukuyang nakikipagtawanan kila Blaire. Psh.

"Ansaya nila ah"

"Kumain na nga lang kayo" Sabat ko sakanila.

"Nagseselos ka ba dude?" Si Jackson.

"What?!"

"Sabi ko nagseselos ka ba?" Paguulit nito sa tanong niya.

"Kanino naman?!"

"Kay Aiden at Blaire malamang!!"

"Hindi ah! At bakit naman ako magseselos dun eh hindi ko nga type yun eh!"

"Nagtatanong lang eh..napaka defensive mo masyado"

"Tsk."

'Ano namang magugustohan ko dun?! Eh hindi naman siya kagandahan eh tas ampanget pa ng ugali!'

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon