Chapter 26

72 7 1
                                    

Arlyn's P.O.V

Hayyyyyy! Good morning!

Naginat-inat ako at saka lumabas ng room ko then I went downstairs. Nadatnan ko doon si Crisel na nagluluto ng umagahan. Isang bahay lang kasi ang tinitirhan namin---opppsss! Don't get me wrong, may pera kaming pangili ng isang condo or magrent ng isang apartment gusto lang talaga naming magkasama.

Simula kasi nung bata pa kami ay siya na ang lagi kong kadamay sa mga ups and downs ko. That's why we decided to live in the same house kasi para kaming pinagdikit na halos ayaw na naming mahiwalay sa isa't-isa.

Until one day, may isang transferee ang dumagundong sa campus. And yes, siya ay si Sophia Blaire Salazar the one and only girl crush sa Philippine Elementary School (PES) kung saan kami unang nagkakilala ni Blaire.

Masayang-masaya ako noong naging close ko si Blaire tss, naging bff pa nga kami eh kaso nasira yun. Ako ang sumira nung relasyon na yun to be exact. Dahil nga siya ang girl crush sa school nagustuhan din siya ng crush kong si Nathaniel Gonzales.

Alam kong wala pake si Blaire sakanya dahil tinanong ko. Binalewala ko nalang yung pagkagusto ni Nathan kay Blaire dahil umasa akong magkakagusto parin siya sakin, pero hindi yun nangyari.

Kapag kasama ko si Nathan, lagi nalang si Blaire ang itinatanong niya saakin ni manlang tanungin niya ako kung ok ka lang ba? O di kaya kumain ka na ba?. Aba ewan! Ginulo niya lang yung mundo ko, dapat hindi ko nalang siya kinaibigan. That is the biggest regret in my life.

Nabalik naman ako sa realidad ng mamalayang nakahain na pala ang umagahan sa harap ko, ni hindi ko nga naramdaman ang pagpunta at pag-upo ko dito sa upuan na to eh.

"Hoy..ok ka lang?" Tinignan ko lang siya at nagkibit-balikat naman ako. "Ha? Bakit naman hindi mo alam?"

"Wala lang...wala lang talaga ako sa mood" Actually, hindi lang talaga ako sure sa gagawin ko mamaya sa bar at hindi rin naman kasi ako sigurado kung may gusto parin si Blaire kay Aiden----

"Tungkol ba yan sa plano mo?" Tignan mo to, iniisip ko palang eh alam na. I'm starting to wonder of she possess a power like mind reading.

"Nababasa mo ba ang isip ko?" Nakakunot ang noong tanong ko sakanya at medyo natawa pa ito.

"Hindi naman..halata lang talaga sayo na yun ang iniisip mo dahil alam kong ngayon mo yun isasagawa." Usal niya.

"Psh, kumain ka na nga lang" Sabay subo sa hotdog.

"Sigurado ka na ba diyan sa gagawin mo?" Nag-aalalang tanong pa nito habang inuurong ang upuan para makaupo ito.

"Oo naman, wala na'tong atrasan" Taas noong sagot ko. Nakita ko kasi sa bar si Aiden, yung bar na kung saan hindi successful ang plano ko kay Blaire psh. Ewan ko lang kung magpupunta pa yun ulit ngayon.

"If you say so.." Ibinaling na nito ang atensyon niya sa pagkain.

Mabilis kaming natapos na kumain at nagtungo na ako sa kwarto ko saka naligo. Wala kaming pasok ngayon dahil may seminar lahat ng lecturer namin kaya pinalipas ko nalang oras sa pamamagitan ng pakikinig ng music, pagfefacebook, at pagbabasa ng pocketbook.

Hindi ko namalayang maggagabi na pala kaya naman nagready na ako at nagpalit ng damit. Nang matapos ako sa mga pinaggagawa ko ay dumeretso na ako sa sala at pinaalam kay Crisel na aalis na ako saka nagtungo sa garage.

Pagkasakag ko sa kotse ko ay pinaharurot ko na yun palabas ng bahay saka mabilis na nagmaneho. Pagkarating ko sa bar ay agad na hinanap ng mga mata ko at tumigil ang mga iyon sa isang lalaking nakatalikod.

'Jackpot! Haha!'

Sigurado akong si Aiden yun, syempre nagkita na kami dati sa mall and yes dahil FC ako ay kinausap ko siya that's why naging friends kami. Lumapit ako sakanya saka umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya.

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon