Chapter 4

280 15 0
                                    

Aiden's P.O.V

Katatapos lang naming kumain nila Blaire sa cafeteria at huminto ako sa paglalakad ng biglang may umakbay sakin.

"Bro.." Tinignan ko kung sino yun at nakita ko si Jackson.

"Ano?"

"Pwedeng magtanong?" Tanong nito.

"Nagtatanong ka na nga eh psh"

"Seryoso kasi"

"Seryoso naman ako eh"

"Tsk balakajan!!" Akma itong aalis pero pinigilan ko siya

"Ano ba yun?"

"Nevermind.." Sagot niya.

"Ano ba kasi yun??" Paguulit ko.

"Tss..Itatanong ko lang sana kung close ba kayo ni Blaire?"

"Oo naman"

"Since when?"

"Nung bata pa kami" Natawa ako sa ekspresyon ng muka niya dahil nanlalaki ang mga mata niya ngayon.

"Childhood friends kayo?!"

"Yep.."

"Bakit ngayon ko lang to nalaman?! Sila Ethan alam ba nila?" Natigilan ako sa tanong niya. Tss hindi naman porke kaibigan ko kayo eh kailangan niyo nang malaman lahat at hindi rin naman kayo nagtatanong eh. Psh

"H-hinde" Sagot ko sakanya.

"Eh bakit parang ngayon ko lang ata kayo nakitang ganun ka-close?"

"Magkaiba kasi kami ng section and schedule kaya hindi kami nagkakasama masyado dati pero nung nalipat na ako sa section niyo eh di pareho na kami ng section ngayon kaya ayun" pagpapaliwanag ko sakaniya.

"Ahh..kaya naman pala"

Naglakad na kami papuntang classroom dahil baka malate pa kami.

Blaire's P.O.V

Tumambay muna kami sa quadrangle dahil wala daw yung teacher namin sa history.

"Aishh kainis naman kung ano pa yung gusto kong subject yun pa yung wala haysss" Malungkot na sabi ni Raelynn.

Paboritong subject ko rin yun pero mas gusto ko parin ang math hehehe.

"Bakit ba gustong-gusto niyo nung subject na yun ha?" Tanong ni Carl.

"Hindi ko naman gusto yun dati eh kasi amboring nung teacher.." Sagot ko sakanya. "Pero nung si Sir Roque na yung nagtuturo..dun lang kami naganahan makinig sa subject na yun.."

"Bakit naman?" Biglang singit ni Shyra.

"Kasi nga hindi terror na teacher si sir..sa lahat kasi ng mga naging teacher natin sa history eh siya lang yung ganun, marunong makisabay sa trip ng students pero terror pagdating sa quiz haha!" pagpapaliwanag ni Chloe.

"Oo nga noh?" Si Elyza.

Huminto kami sa pag-uusap nang may tumawag sakin....

"Noonaaa!!" Sigaw nito. Lumingon naman kami dun at tumambad samin si Blake. Kapatid ko. Noona means ate.

Ewan ko nga kung bakit niya ako tinatawag ng ganyan eh. Nahawa yata sa mga kaklase niyang kpopper.

"Oh bakit ka andito?" Tanong ko.

"Noona naman eh!! Kararating ko lang..pinapaalis mo na ako bad ka!" Nagpout pa siya pagkatapos niyang sabihin yun. High school na yan..may pagka-isip bata lang talaga. Psh.

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon