Chapter 21 : Sports fest

110 12 2
                                    

Ethan's P.O.V

Nakangiti akong bumaba sa stage at binubuyo naman kami ni Blaire ngayon..pero parang wala lang saakin ang mga yon dahil nagkaroon ako ng tsansang mahawakan ang malambot na kamay ni Blaire kanina hehehe..

F L A S H B A C K...

Habang tumatakbo kami ay hindi ko talaga maiwasang mapasulyap kay Blaire..hanggang napansin rin nitong nakatingin ako sakanya

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?"

"Ahh w-wala.." Nakangiting sagot ko. "Nabibighani kasi ako sa napakagandang mukang ng isang babae na tumatakbo kasama ko.."

"A-ano?"

"Sabi ko maganda ka.." Napansin ko ang biglaang pagtahimik nito, kaya naman napangiti akong muli dahil alam kong naapektuhan siya sa sinabi ko hehehe

Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo at medyo dumikit naman ako kay Blaire, palihim kong iniabot ang kamay nito at pinagintertwine ang mga daliri namin..napatingin naman ito saakin na puno ng pagtataka.

"Bakit mo ginawa yun?"

"Para naman maganahan akong tumakbo"

"Hindi naman energizer ang kamay ko eh tsk"

"Hindi nga..pero para saakin ay oo" Kinindatan ko pa siya at napailing naman ito..

E N D O F F L A S H B A C K...

Tinignan ko pa si Blaire habang inaasar kami at halatang naiinis na ito at napansin kong medyo nakapout ang lips niya..ang cute niya hahaha!

"Ang cute mo pag naiinis.." Pinisil ko pa ang pisngi nito.

"T-tumigil ka nga!" Sigaw nito saakin pero ginawaran ko lang siya ng isang ngiti.

"Yieeeeee ship!"

"May sumigaw nga kanina ng ship name nila eh..mukang dumadami na ang sumusuporta sainyong dalawa ah!" Namamangha pang sambit ni Jayden.

"BlaireThan ata yun kung hindi ako nagkakamali.." Usal ni Raelynn.

'BlareThan..masaya ako na gusto siya ng mga estudyante dito para saakin hehehe!'

"Bagay naman kasi kayong dalawa eh.." Si Jackson. "Soguradong maganda ang laro ng isang to mamaya.." Nanunukso pang tugon niya.

Napangiti nanaman ako..syempre inspired! Haha. Matapos ang ilang tuksuhang naganap doon ay tinawag kami ni coach.

"Ano yun coach?"

"Tinawag ko kayo para sabihin sainyong nakapost na ang schedule ng laro niyo sa bulletin board..1:00 PM ang laro niyo mamaya" Pagaanunsyo nito. "So may time pa para kayo ay makapagpractice before ang game..galingan niyo mamaya ha?"

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon