Blaire's P.O.V
Lumabas na kami sa campus at nagtungo sa salon na sinasabi ni Carl dahil kapatid niya yung may ari nun kaya doon nalang daw kami pupunta. Nang makarating kami doon ay may isang magandang babae ang sumalubong saamin.
"Oh! Napadaan kayo dito Carl?" Tanong pa nung babae.
"Malapit na kasi yung JS prom namin ate so you know..magpapaganda kami----ay este sila pala hehe.." So ate niya pala.
"Sige ba! Ako nga pala si Nica older sister ni Carl hehe..Sinisigurado ko sainyo na mas lalo kayong gaganda pag labas niyo dito!" Excited pang sambit ni ate Nica.
Susss! Magaling mang sales talk si ate Nica ah psh.
"Halina kayo.." Tawag pa nito saamin at sumama na kami sakanya. Pumasok kami sa isang room kung saan maraming customer ang inaayusan at pinaggagawan ng kung ano-ano.
Pinaupo niya na kami sa tig-iisa naming upuan at may sari-sarili ring salamin. Si ate Nica ang mag-aayos sakin samantalang ang iba pang katrabaho niya ang mag-aayos sa mga kaibigan ko.
'Okay..medyo kinakabahan ako sa kalalabasan nito..'
Nag-start na si ate Nica sa gagawin niya at may mga materyales siyang hinanda. Marami siyang ginawa saakin mula sa buhok ko hanggang sa muka ko. May kung anu-anong proseso pang nagyari at natapos rin.
"Tignan mo na ang iyong sarili sa salamin hija.." Masayang wika ni ate Nica.
Dahan-dahan ko namang binuksan ang mga mata ko kasi hindi ko namalayan na nakaidlip pala ako.
'Shems eto na makikita ko na kung anong resulta!'
Pagbukas ko ng mata ko ay nagulat ako sa nakita ko. Umayos nga naman ang itsura ko pero dati naman ng maayos to eh maganda pa nga eh charrr!
"Nakuu! Mas lalong gumanda ang mga kaibigan mo Carl! Lalo na itong inayusan ko.." Sabay ngiti sakin.
"Sabi sayo wag ka na magpasalon eh! Mas lalo ka tuloy gumanda! Aishh why so unfair?! Huhu.." Nakangusong sabi ni Carl.
"Tss.." Napairap nalang ako.
"Wag ka ngang ganyan..napikon tuloy oh" Suway pa sakanya ni ate Nica.
K I N A B U K A S A N...
Pinagtitignan kami ng mga babae sa school lalo na ang mga lalaki. Hindi ako sanay sa ganitoooo..their giving us too much attention and I hate it. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa hallway.
"Hi miss!"
"Hey there beautiful.."
"Gumanda ka Blaire ah!"
"Hi Blaire!"
Yan ang mga sinasabi nila habang dumadaan kami at napapayuko nalang ako dahil sa hiya. Lupa lamunin mo na ako gosh!
"Tsk, nagpaganda pa kasi eh maganda naman na..ito ang ayaw ko eh..marami ng magkakagusto sayo niyan" Napa-angat ako ng tingin at nakita ko ang dismayadong muka ni Ethan. Umiling-iling pa ito saka ako nilagpasan.
'Luh..problema nun? Tsk'
Dumeretso na kami sa classroom at as usual, nagstart na ang discussion.
Breaktime na ngayon at sumabay kami kila Jayden kaso napansin kong wala si Ethan.
"Nasan si Ethan?" Tanong ko.
"At bakit mo naman siya hinahanap?" Naniningkit pang tanong sakin ni Jackson.
"Concern ka sakanya noh?" Dagdag pa ni Raelynn.
"Luh..tinatanong lang eh tsk" kumagat nalang muli ako sa sandwich na kinakain ko dahil sa inis.
"Uyy hala joke lang heto naman.." Biro pa sakin ni Raelynn. "Sabihin mo na kasi!" Astang babatukan pa niya si Jackson.
"Oo na!" Usal ni Jackson habang nakaharang ang kamay niya sa sarili. "Nandoon lang yun sa C.R wag kang mag-alala.." Baling nito sakin.
Nagkwentuhan nalang kami at ilang minuto pa ang lumipas, biglang dumating si Ethan na nakabusangot.
"Anyare sayo?" Tanong sakanya ni Elyza.
"Nagpunta lang sa C.R nabadtrip na?" Si Jayden.
"Ano bang nangyare ha?" Seryosong tanong sakanya ni Jackson.
"Wala.." Tipid na sagot niya saka dumeretso sa upuan sa harapan ko at nagsimulang kumain.
'Wala nga ba?..'
Ethan's P.O.V
Kakapark ko lang ng sasakyan ko at naglalakad na ako papuntang room kaso nakita ko si Blaire sa di kalayuan na pinag gugulhan ng mga lalaki.
"Aishh!" Napakamot pa ako sa ulo ko dahil sa inis.
Wala na akong nagawa kundk ang makipagsiksikan sa mga lalaki roon hanggang makarating ako sa pinakaharap.
"Tsk, nagpaganda pa kasi eh maganda naman na..ito ang ayaw ko eh..marami ng magkakagusto sayo niyan" Tumingala naman si Blaire saakin pero dahil sa inis ko ay nilagpasan ko nalang siya.
'Tsk!'
Nagpunta na ako sa classroom at inis na inilapag ang bag ko sa upuan ko.
"Anong nangyari sa'yo bro?" Bungad sakin ni Jackson.
"Wala!" Sigaw ko sakanya.
"Woah! Chill dude..hindi mo kailangang sumigaw" Nakataas pa ang kamay na tugon nito.
Isinalpak ko nalang ang earphones ko pero hindi naman ako nagpatugtog..bakit ba, ginawa ko lang yun para hindi na nila ako kausapin psh.
Naramdaman ko naman ang presenya nila Blaire at nung nilingon ko sila ay pinagdiskitahan nanaman ito ng mga lalaki dito sa room. Tsk tsk tsk, hindi na dapat siya nagpaganda eh tsk.
Ilang oras ang lumipas at breaktime na pero pinauna ko muna sila Jayden dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Dumeretso na ako sa C.R at ginawa kung anong dapat kong gawin saka naghugas ng kamay at lumabas.
Habang naglalakad ako papuntang canteen ay may narinig akong naguusap sa stairs kaya naman tumigil muna ako, minsan talaga ay tumitira rin ang pagkachismoso ko eh.
"Buti naman at wala kang gagawing masama kay Blaire ngayong prom.."
"Tss..ayoko lang talagang masira yung gabi ko sakanya noh"
'At bakit naman si Blaire ang naging topic nila?'
"Pasalamat ka walang nakaalam ng ginawa mo sakanya.."
"Susss! Ako pa? Yung sinigurado ko talagang walang makakakita nung pagbato ko sakanya ng bola noh"
"Ewan ko sa'yo Presly.."
'Presly?! Siya ang nagbato nung volleyball kay Blaire?!'
Dahil sa inis ko ay hinarap ko si Presly at yung kausap niya.
"IKAW?!" Sigaw ko sakanya.
"E-ethan?" Gulat na usal ni Presly.
"BAKIT MO GINAWA YUN?!" Galit talagang tanong ko sakanya.
"E-eh naiinis k-kasi ako----"
"Stupid reasons"
"Hindi ako manhid Ethan!! Alam kong may g-gusto ka sakanya pero bakit s-siya pa?! Mas mahaba na ang n-napagsamahan natin p-pero bat siya pa?! P-pwede namang a-ako nalang diba?!" Nauutal pang wika nito.
"No..hindi mo mapipigilan ang nararamdaman ko para sakanya..wala kang magagawa dahil siya ang gusto ko at hindi ikaw.." Nilagpasan ko siyang humahaggulgol doon at nagtungo na ako sa canteen.

BINABASA MO ANG
In Denial (On-Going)
Fiksi Remaja"How can I tell this to her?...I'm not good at confessing things.." A girl named Sophia Blaire Salazar is just a normal student at Xander University. Students from that school doesn't really care about her except for her friends, but not until a boy...