Blaire's P.O.V
Nasa gym nakaming buong klase ngayon at na-assign naman ako at ang iba pa na mag-ayos ng table and chairs. Habang ang iba ay sa stage, at ang iba ay naglilinis.
Ilang oras rin namin yung ginawa dahil sa lawak ng gym at sa dami ng estudyanteng dadalo bukas. Pinatigil na muna kami ng president namin at hinayaang mag meryenda muna kami. Sama-sama naman kami nila Chloe na pumunta sa canteen at nag-order ng kanya-kanya naming pagkain.
"Woooh! Nakakapagod!" Sabay punas ni Carl sa kanyang pawis.
"Buti nga at breaktime na natin eh..kundi mamatay na talaga ako sa pagod dun!" Hinihingal pang sambit ni Shyra.
Pumwesto na kami sa isa sa mga table dito sa canteen at nagsimulang kumain.
"Ahhhh...ang sarap" komento pa ni Elyza habang ninanamnam yung pagkain niya.
"Ngayon mo lang na appreciate yung pagkain dito ah"
"Ano ba, gutom ako eh so kahit anong pagkain masarap talaga sakin pag gutom.." tumaas-taas pa ang dalawang kilay nito.
"Pfft.."
Bumalik na kami sa gym pagkatapos naming kumain at pagkarating namin roon ay nagsisimula ng mag-ayos ulit ang mga kaklase namin.
"Ha! Pagpapawisan nanaman 'tong napakaganda kong mukha.." Pagiinarte ni Carl.
"Tumigil ka nga diyan..ganda ka teh? Ganda ka?"
"Che!" Umalis na ito at nagpatuloy sa pag-aayos niya sa labas ng gym.
Pumunta naman na ako sa mga kasama kong mag-ayos kaso bago pa man ako makarating doon ay hinarang ako ng president namin.
"Ahh Blaire..pwede mo bang kunin yung iba pang mga decorations sa stock room?"
"Ahh oo naman"
"Salamat! Wala kasing magbabantay sa mga kaklase natin eh..baka kasi kung anong gawin nila pag umalis ako..salamat talaga"
"Wala yun..sige alis na ako ah?"
Nagtungo ako sa stock room at pagkabukas ko ng pinto ay napaka kapal na alikabok ang tumambad saakin kaya napaubo ako ng mahina.
"Asan na ba yun?" Kinuha ko na ang panyo ko pangtakip sa ilong at bunganga ko para wala akong masinghot na alikabok. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko nahanap yung mga box na may lamang decorations. Pinagpatong patong ko yung tatlong karton at binuhat yun.
"A-ang bigat.." lumabas na ako roon at naglakad na sa hallway. Kaso may naapakan ata ako na kung ano kaya natisod ako at naghulog yung mga karton.
"Aishhh" Napakamot pa ako sa ulo ko at sinimulang ayusin yung nagkalat na decorations. Pagkahawak ko dun sa ribbon ay may iba pang kamay ang kumuha doon. Unti-unti ko namang tinaas ang paningin ko.
"Tulungan na kita.." nakangiti pa si Ethan pagkasabi niya nun.
"A-ahh wag na kaya---"
"No..I insist" Pilit pa nito at nagsimulang magpulot. Natapos rin kami agad sa pag-aayos nun at dinala na yung mga box sa gym.
"Salamat sainyong dalawa!" Nakangiti pang sabi ni Charlene ang president namin.
Pumunta na muna ako doon sa window at tumulong sa pagkabit ng kung anu-anong palamuti.
"Mag-ingat ka Blaire..baka mahulog ka diyan sa ladder"
"Oo.." Umakyat na ako sa ladder kaso nadulas yung isa kong paa at na out balance ako.
"BLAIRE!" Sigaw nung mga kaklase ko. Napapikit nalang ako kaso naramdaman ko nalang na may kamay na nagbubuhat saakin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at nakita ko si Aiden.
BINABASA MO ANG
In Denial (On-Going)
Teenfikce"How can I tell this to her?...I'm not good at confessing things.." A girl named Sophia Blaire Salazar is just a normal student at Xander University. Students from that school doesn't really care about her except for her friends, but not until a boy...