Chapter 33

20 2 0
                                    

Blaire's P.O.V

Kikiligin na ba ko? Haha.

Hanggang ngayon kasi iniisip ko yung notebook ni Ethan na may drawing ng muka ko. Parang totoo nga yung drawing niya eh. Pero may ibang parte rin na hindi ko kamukha yung drawing..

F L A S H B A C K...

"Hatid na kita." Ano daw?

"A-ano?"

"Haha ang cute mo. Tara na" Ewan ko kung anong nangyari basta ang alam ko lang andito na ako sa loob ng sasakyan ni Ethan. Ano ba naman yan! Bakit ba nawawala ako sa sarili pag kasama ko siya? Aish ginayuma niya ba ko? Haha.

"Easy lang..baka matunaw ako." Naka ngisi naman siya ngayon. Hala! Dahil nga wala ako sa huwisyo di ko namalayan na nakatitig na pala ako sakanya sa rear mirror, nakatitig ha hindi lang basta tingin ah argh ano bang nangyayari sayo self?

Iniwas ko nalang yung tingin ko. Feel ko nag-iinit yung pisngi ko! Shet! Wag ka mag blush nakakahiya! Tinakpan ko naman yung pisngi ko at narinig ko pa siyang tumawa ha. Aba...

"A-anong tinatawa m-mo diyan ha?"

"Wala ang cute mo kasi.." mas lalo lang atang uminit yung pisngi ko eh. Ano ba naman taph na Ethan! Aish.

Nahagip naman ng mata ko ang isang notebook sa may paanan ko. Kinuha ko yun tapos patago kong tinignan. Syempre baka magalit tong ugok na'to eh.

Habang ineexplore ko yung notebook na'to parang nabored naman ako kasi syempre nag expect naman ako na may secret siya dito hahaha. Bigla naman akong napa-isip... Hmm, kung sa likod kaya? Pagtingin ko sa last page ng notebook niya.. Aha! Jackpot!

'Teka...Ako to ah!'

Bigla kong naalala na ito pala yung notebook na nakita ko dito dati. Hindi niya parin pala 'to tinatanggal dito? Pagkalipat ko nung page ay may nakita nanaman akong drawing!

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon