Aiden's P.O.V
Nagsasoundtrip ka sa quadrangle nang bigla kang ginulo ni Jackson.
"Uyy.." Tawag nito sakin, tinanggal ko naman ang earphones ko na nakasalpak sa tenga ko.
"Wae?"
"Si Blaire.." Bigla naman ako nagkaroon ng interes sa sasabihin niya. Don't get me wrong..wala akong gusto sakanya, concern lang talaga ako.
"Bakit? Anong tungkol sakanya?"
"Eh..natamaan kasi siya ng bola sa ulo kanina nung naglalaro sila ng volleyball.." Pagpapaliwanag nito. Nanlaki naman ang mga mata ko.
"Nasan siya ngayon?!"
"Nandoon sa clinic.." Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa bench at dali-daling nagpunta sa clinic.
Pagkarating ko roon ay nadatnan ko ang mga teammates niya at si Ehan na naghihintay sa may bench sa tapat nung clinic..
"Asan si Blaire?"
"Andiyan sa loob malamang.." Bahagya pa akong nagulat sa inaasta ni Ethan, mukang badtrip siya ngayon dahil siguro sa nangyari kay Blaire..
Napailing nalang ako at umupo rin sa bench..nakabukas lang ang pinto ng clinic kaya nakikita namin ang mga ginagawa ni Nurse KC kay Blaire..nung matapos na ito ay agad kaming pumasok sa loob tutal malawak naman ito.
"Ok lang ho ba siya?" Sabay pa naming tanong ni Ethan.
"Ahh oo naman..matanong ko lang, nakita mo ba kung anong nangyari sakanya kanina bago siya mawalan ng malay?" Baling nito kay Ethan.
"Opo..may tumamang bola sa ulo niya kanina at mukang sinadya po yon..kaso hindi ko nakita kung sino yung nagbato.." Sagot nito. Nanrindi naman yung tenga ko nung marinig ko yun.
'Sino namang gagawa nun?!'
"Kaya pala..malakas yung naging impact nung bola sa ulo niya kaya siya nawalan ng malay pero ok naman na siya, pero kailangan niyang itake ang gamot na ito kung sakaling sumakit muli yung ulo niya pagkagising niya mamaya.." Paliwanag pa ni Nurse KC. Kinuha naman ni Ethan yung mga gamot.
"Sige mauna na muna ako sainyo.." Paalam ni Nurse KC.
"Sige ho.."
Naunang lumapit si Ethan kay Blaire kaya lumapit narin ako kaso nakatayo lang ako sa tabi nila..nakakabinging katahimikan ang namutawi sa paligid.
"Sabi ni Nurse KC wag daw muna siyang pumasok bukas dahil kailangan niyang magpahinga.." Basag nito sa katahimikan.
"Sige sasabihin ko nalang sakanya pag nagising na siya.." Si Ethan.
Habang kami ay naghihintay na magising si Blaire ay dumating naman ang mga kaibigan nito..
"Ok lang ba si Blaire?!" Agad na bungad saamin ni Shyra.
"Ano bang nangyari?!" Tanong ni Raelynn.
"Natamaan yung ulo niya ng bola kanina habang naglalaro sila ng volleyball.."
"Eh sino namang tumira nun at bakit umabot sa ganyan?!" Galit na tanong ni Elyza.
"May nagbato kasi nun..at malakas ang pagkabato niya kaya nawalan ng malay si Blaire.." Si Ethan na ang sumagot sa tanong niyang iyon.
"Anak ng..lagot talaga samin yung taong yun arghh!!" Nanggigigil na sabat ni Chloe.
"Ok na ba siya?" Tanong ni Carl.
"Oo..magigising rin yan mamaya.." Sagot ko rito.
"Haysss..ano ba namang motibo ng taong yun para gawin yan sakanya?!"
"Maski kami ay hindi alam kung sinong makakagawa niyan kay Blaire.." Si Ethan.
"Makakarma rin yung taong yun.." Usal ni Shyra.
Presly's P.O.V
Nakita ko sila Blaire at Ethan kanina sa isang bench na nag-uusap, Aishhh! Yung araw niya dapat yung sisirain ko eh pero mukang yung sakin naman yung nasira!
'Bwiset!'
Inis akong dumeretso sa room at inilapag ang bag ko sa upuan ko..
"Arghhh!!" Sigaw ko.
"Hoy ano bang problema mo?" Tanong ni Fiona.
"Eh paano ba naman kasi! Inaagaw talaga ni Blaire si Ethan sakin eh!"
"Psh paano niya naman aagawin sayo yun eh hindi nga sayo si Ethan eh.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tinignan ko siya ng masama at natigilan naman ito.
"Hindi ka nakakatulong eh!" Sigaw ko sakanya saka lumabas sa room at pumunta sa rooftop.
"Ahhhhhhh!!" Sigaw ko rito. "Bwiset ka Blaire! I hate you! Ahhh!" Sigaw kong muli.
Sumigaw lang ako ng sumigaw roon para mabawasan yung hinanakit sa loob ko..nakakaasar kasi eh tangina.
Bumalik na ako sa room at umupo sa upuan ko, sakto namang dumating si Sir Garcia. Tsh ang pale na tuloy ng klase dahil wala na si Ethan dito, napansin ko rin kasing parang nawalan na ng ganang makinig ang mga estudyante rito nung lumipat si Ethan sa section nila Blaire...nanumbalik nanaman yung inis ko!
'Curse you Blaire!''
Hindi na ako nakinig sa discussion dahil hindi rin naman ganun kadami ang diniscuss ni Sir..maaga kaming dinismiss at nagpalit na ako ng jersey ko saka nagpunta sa gym.
Nadatnan ko ang mga teammates kong nagreready na para maglaro..ilang minuto ang lumipas at nagstart na kaming maglaro ng volleyball..
Naging maayos ang laro namin, hindi ko na muna inintindi si Blaire dahil baka mainis lang ako at hindi macontrol ang sarili ko..naglarp na silang muli kaso nahpaiwan na muna ako dito sa bench at tinitignan si Ethan na naonood kila Blaire.
'Arghhh!!'
Nahuli kong nakatitig nanaman si Ethan kay Blaire at nakangiti pa! Nag-init ang dugo ko at ramdam ko ang pagkuyos ng kamak ko..tumingin ako kay Blaire at mas lalo akong nainis..
Naramdaman ko nalang ang sarili kong kumuha ng bola at ibinato ng malakas yon kay Blaire..
'Yan...yan ang bagay sayo..'
Nakaramdam ako ng tuwa pero may konti ring guilt..kaso mas nangingibabaw ang tuwa ko dahil sa ginawa ko sakanya..lumapit sakin si Fiona at masama ang tingin nito sakin..
"What?" Painosenteng tanong ko rito.
"Ikaw ba gumawa nun?" Gumagaralgal pa ang boses nito.
"Yeah..so what?"
"Bakit mo naman ginawa yun?! Alam mo bang nawalan ng malay yung tao ha?!" Galit na sigaw ni Fiona sakin. Yep kaibigan ko siya pero hindi never niya pa akong kinampihan sa mga maling ginagawa ko psh.
"Chill..hindi niya naman ikakamatay yun eh.."
"Ha! Eh paano kung hindi lang yon ang magawa mo sakanya?! Alam ko pa namang hindi mo kontrolado ang sarili mo pag nagagalit ka!" Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Tss.." Singhal ko.
"Bahala ka nga diyan!" Umalis na ito at mag-isa nalang akong naiwan doon sa court.
Lagi naman ako yung mali eh psh! Nagagawa ko lang naman ang mga bagay na iyon dahil sa pagmamahal! Arghhh!!

BINABASA MO ANG
In Denial (On-Going)
Fiksi Remaja"How can I tell this to her?...I'm not good at confessing things.." A girl named Sophia Blaire Salazar is just a normal student at Xander University. Students from that school doesn't really care about her except for her friends, but not until a boy...