Chapter 29

52 5 1
                                        

Presly's P.O.V

Bakit ba kasi napadaan pa doon si Ethan eh! Hindi niya dapat nalaman kung sino yung nagbato nun eh...huhuhu. Pumunta na muna ako sa rooftop dahil ito ang madalas kong tambayan pag gusto kong mapag-isa.

Sumandal ako sa pader at nagpadausdos pababa at nagsimulang tumulu ang luha ko. Napayakap nalang ako sa mga binti ko at doon ibinuhos lahat ng luha ko.

"Huhuhu..." Kasabay ng pag-iyak ko ay ang pagulit ng mga binitawang salita ni Ethan kanina.

"No..hindi mo mapipigilan ang nararamdaman ko para sakanya..wala kang magagawa dahil siya ang gusto ko at hindi ikaw.."

"No..hindi mo mapipigilan ang nararamdaman ko para sakanya..wala kang magagawa dahil siya ang gusto ko at hindi ikaw.."

"No..hindi mo mapipigilan ang nararamdaman ko para sakanya..wala kang magagawa dahil siya ang gusto ko at hindi ikaw.."

"Ahhhhhhhhhh" Naitapon ko pa ang bag ko habang sumigsigaw ako. "Ako nalang..*hik* Ako nalang Ethan.."

Naramdaman kong may papunta dito sa pwesto ko pero hindi na ako nag-abalang tignan kung sino yun.

"Woiii" Tawag sakin nito at boses babae siya. "Uyyy Presly.." Tawag niya uli pero sa pagkakataong ito ay nilingon ko na siya.

"F-fiona..anong ginagawa mo dito?"

"Eh nakita kasi kita kanina na paakyat dito eh..at syempre narinig ko lahat ng sinabi sa'yo ni Ethan..haysss" Bumuntong hininga pa ito. "Ok ka lang ba?" Hindi ko siya sinagot, nakatingin lang ako sa kawalan habang hindi parin nagsisink-in sa utak ko yung sinabi ni Ethan.

Aaminin kong masakit...sobrang sakit..ang lakas ng epekto sakin nung mga sinabi niya kanina. Ang tagal na ng pinagsamahan namin, I thought he'll fall for me too as time goes by..but I was wrong.

"Hoy!" Sigaw sakin ni Fiona kaya natauhan ako.

"H-ha?"

"Hakdog" Inerapan pa niya ako psh. "Kanina pa kita niyayayang bumalik sa room eh.."

"Mauna ka na.." Tanggi ko pa.

"Hinde pwede..malalate ka niyan eh!" Reklamo niya.

"Mauna ka na nga..susunod naman ako eh"

"Tsk..move on na kasi, marami pang iba diyan" cheer up niya sakin.

"Hindi naman kasi ganun kadali yun eh.." Saka ako nagpakawala ng buntong hininga. Tumayo na ako at pinagpag ang palda ko. "Tara na nga"

Bumalik na kami sa room at syempre nagpretend nalang ako na parang walang nangyari, kahit na masakit. At nanunumbalik lang uli yung sakit dahil alam kong madadaanan nila yung room namin, haaaaaays.

Ethan's P.O.V

Papunta akong sa dean's office para ireport sakanya kung sino yung nagbato ng bola kay Blaire.

"Hi Ethan"

"Good morning oppaaa!"

"Saranghae papa Ethan! Kyaaahh"

Nginingitian ko nalang sila at binaati ko lang yung trip kong batiin, bakit ba. Pagkarating ko sa harap ng door ng office ni Dean Alvarez. Actually, medyo kinakabahan ako dahil masungit si Dean Alvarez. Kumatok na ako.

"Come in.." Punong-puno ng awtoridad ang boses niya.

"Wooooh!" Pinihit ko na ang door nub saka tuluyang pumasok sa loob.

"Oh..Mr. Villanueva am I right?"

"Yes Dean"

"What brought you here?" Ibinaba pa nito ang papeles na hawak niya kanina at diretsong tumingin sakin.

"Ahh alam ko na po kung sino ang nagbato ng bola kay Blai--- I mean Ms. Salazar dean.." Sumenyas pa siya na ituloy ko lang yung sinasabi ko. "Si Ms. Ocampo dean"

"Paano mo nasabi Mr. Villanueva?"

"Narinig ko po silang magkausap ng kaibigan niya about po dun sa incident na yun."

"May iba pa bang nakarinig o may alam nito?" Napaisip naman ako at isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

'Si Fiona..'

"Si Ms. Roque dean." Bigla niya namang pinatawag si Fiona para papuntahin dito sa dean's office. Ilang sandali lang ay may kumatok na sa pintuan at pinapasok naman ito ni Dean Alvarez.

"P-pinapatawag niyo daw ho ako dean?" Kinakabahang tanong niya at nanlaki naman ang mata niya nang makita akong nakaupo sa sofa dito sa office. May clue na siguro siya kung bakit siya pinatawag psh.

"Isa ka daw sa nakakaalam na si Ms. Ocampo ang may gawa nung incident kay Ms. Salazar, totoo ba ito?" Napatingin naman ako kay Fiona at parang nagpapanic na ito, halatang nagdadalawang isip ito kung sasabihin niya.

"O-opo dean.." Medyo naiiyak na siya.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit niya ito nagawa?"

"Ahh p-personal po yung dahilan dean eh.." Iwas nito sa tanong. Bigla namang tumingin sakin si Dean.

"Parang alam ko na ang dahilan.." Natatawa pang sambit nito. A-alam ba ni dean na may gusto sakin si Presly? O halata lang talaga si Presly.

"Dahil sa ginawa ni Ms. Ocampo ay masususpend siya ng 1 week, pakisabi nalang ito sakanya Ms. Roque tutal mag-kaibigan naman kayo.."

"Yes dean" Tumango pa ito.

"Sige..you may go" Lumabas na kami ni Fiona doon at walang imik na dumeretso sa mga room namin.

"You're late Mr. Villanueva" Bungad sakin agad ng lecturer namin.

"Kinausap ko lang ho si dean ma'am" Tumango nalang siya at pinaderetso ako sa upuan ko.

"Bakit antagal mo men?" Tanong sakin ni Jackson.

"Kinausap ko nga si dean, bingi neto"

"Sungit.." Hindi ko na siya pinansin at nakinig na ako sa lecture.

Nang matapos ang lecture ay biglang tumunog ang speaker sa room at nagsalita si Ms. Chavez.

"Attention students..every section will clean and decorate their assigned area tommorow..Your adviser will be the one to tell you the area of your section, and expect that ya'll will do a lot of work. Thank you.."

Bumalik na ako sa pag-aayos ng gamit ko pagkatapos makinig sa announcement ni Ms. Chavez. Pumunta na ako sa parking lot at dumeretso sa loob ng kotse ko saka iyon pinaharurot.

K I N A B U K A S A N..

Kumpleto na kaming lahat dito sa room at hinihintay nalang namin si Ms. Gomez para sabihin saamin kung saan ang area namin. Hindi kami magkaklase ngayon dahil puro linis at pag-aayos ang gagawin namin dahil bukas na ang prom.

"Good morning.."

"Good morning ma'am"

"Take your seat.." Umupo na kami.

"Your assigned area is the gym..so do your best to make it presentable because the JS prom will happen there" Anunsyo niya. "And please be careful..I don't want ya'll to get injured"

"Yes ma'am!" Nagsialisan naman na kami sa room at nagtungo sa gym.

***
Sa wakas nakapag UD rin! Haha! Sorry Zibies kung natagalan ako mag update, alam niyo naman hehe buhay estudyante. Kung nagtataka kayo diyan sa 'Zibies' eh gawa-gawa ko lang yan hehe Mitzi X babies so I came up with that. ♡♡♡

You can reach me here:

IG: @Kim_Mitzi05
Twt: @ZiFajardo

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon