Chapter 20 : Sports fest

112 15 2
                                    

Ethan's P.O.V

Nagprapractice kami ng basket ngayon sa gym at maayos naman ang kinalabasan nito..nakikita rin naming nageensayo ang ibang section sa gym, nachachallenge din kami na paghusayan pa ang paglalaro ng basket dahil habang tumatagal ay dumadami rin ang gumagaling na players sa ibang klase at maaring matalo kami kapag hindi kami nagseryoso.

"Coach..gumagaling na yung iba oh" inginuso pa nito yung mga naglalaro ng basket.

"Oo nga..kaya dapat magensayo lang kayo ng magensayo para mas lalo kayong gumaling!"

"Yes coach!" Masayang sagot namin rito.

Ilang oras pa kaming nanatili dun sa gym at parang may galit ata sakin si Aiden dahil bawat agaw ko sa bola ay makikipagunahan din ito kahit na hindi naman kami magkalaban, bawat shoot ko rin ng bola sa ring ay parang sinasadya niya akong harangan..hanggang sa dumating yung oras na binangga niya ako ng pagkalakaslakas.

'Ano bang problema nito?!'

Napahawak ako sa braso dahil yun ang unang tumama sa sahig..

"Reyes!" Tawag ni coach kay Aiden. "Ano bang ginagawa mo?! Maayos naman ang laro mo kanina ah?!"

"Sorry coach.."

"Alam mo namang bukas na ang laban niyo tapos ngayon mo pa balak magkaganyan?! Ano bang nangyayari sayo?!" Galit na sabi ni coach.

"Sorry coach..hindi na mauulit" Nakayuko na ito ngayon.

"Oh basta ayusin mo na yang laro mo..pupunta muna ako sa office at pinapatawag ako.." Wika ni coach saka ito lumabas sa gym.

Tinignan ko si Aiden at wala namang emosyon ang muka nitong tinugon ang mga tingin ko..parang wala ito sa sarili

'Tsk!'

Nagpahinga na muna kami saka kami naglaro ulit sa huling beses. Nang matapos ito ay agad akong dumeretso sa canteen para bumili ng pagkain ko at para na rin kay Blaire..

Pagkatapos kong bumili ay agad kong hinanap kung saan nakapwesto ang booth namin at nung mahanap ko ito ay pumunta naman na ako doon saka iniabot kay Blaire yung pagkaing binili ko.

"Ang tigas rin talaga ng ulo mo eh.." Bungad ko kay Blaire. "Sinabi na ni ni Nurse KC na magpahinga ka muna tas pumasok ka pa tsk.."

"Kaya ko naman na eh kaysa naman nakahilata lang ako sa bahay psh.."

"Tsk!" Singhal ko. "Kumain ka na muna.." Pigil ko sa ginagawa niya dahil lunch break na pero hindi parin sila tumitigil sa pag-ayos ng booth samantalang ang iba ay nasa canteen para mag lunch.

"Mamaya na..hindi pa ako gutom"

"Hindi pwede, lunch time na pero nag-aayos ka parin ng booth..sigurado akong gutom ka na"

"Kakain ako pag gutom ako kaya sayo na yan"

"Sussss! Dinalhan ka na nga ng pagkain tas choosy ka pa teh!" Singit ni Carl.

"Tumigil ka nga!" Asik ni Blaire.

"Tumigil ka na muna diyan.." Kinuha ko ang mga gamit niya at inayos yun saka binuksan yung pagkain na dinala ko, kumuha narin ako ng upuan niya syempre. "Oh kumain ka na"

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon