Ethan's P.O.V
Makalipas ang ilang linggo ay tuloy-tuloy ang pagkapanalo namin. Yeah, weeks have passed pero binabagabag parin ako nung ginawa ni Aiden kay Blaire. Ngayon na ibinigay ang results at ang overall champion syempre.
Katatapos lang ng ilang events kanina at nagsidatingan narin ang mga estudyante sa quadrangle para abangan ang announcement. Kasama ko sila Jackson ngayon na lamon ng lamon buti nalang hindi tumataba ang mokong nato.
Hindi ko naman maiwasang mapatingin sa direksiyon nila Blaire dahil nagkukusa ito. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Aiden at Blaire, nanunumbalik naman saakin ang senaryo na tumatak sa utak ko.
'Ano ba talagang namamagitan sa dalawang ito?'
Agad kong iniwas ang tingin ko kay Blaire nang tumingin din ito saakin. Napapbuntong hininga nalang ako sa tuwing maalala ko yun. Napansin narin nila Jayden na nawawala ako sa huwisyo minsan.
Biglang tumunog ang speaker kaya naman naagaw nito ang atensyon ng marami. Nagsitigil sa pagchichismisan ang mga estudyante at humarap sa stage. May mga kung anu-anong pinagsasabi ang M.C pero hindi ko na yun pinakinggan.
Sumeryoso lang ako sa pakikinig nang marinig ko ang let's announce the winners. Nararamdaman ko ang tensyon sa paligid, kinakabahan narin ang mga estudyante sa results. Nanatili lang kaming nakikinig sa M.C.
"The 3rd runner up will receive a trophie, cash prize with a worth of 5,000 pesos, and a medal for each students that belong to the section, this title goes to..." Ofcourse, there's the drum roll effect again at mas pinapalakas nito ang tensyon na nararamdaman ng nga estudyante. "Section 1! Congratulations.."
Nagsitalon ang mga estudyante na kabilang sa section 1. Umakyat na sila sa stage para kunin ang trophie, cash prize at tag-iisa nilang medal. Nagpicture pa sila bago bumaba sa stage.
"The 2nd runner up will recive a reward like the 3rd runner up, but the cash prize is worth 10,000 pesos this title goes to..." seconds passed at doon niya na sinabi. "Section 7! Congratulations.."
Tinignan ko lang sila habang paakyat ng stage ang section naman nila Presly ito ay ang section 3, sila ang 1st runner up at ganoon din ang prize nila kaso 15,000 cash yung kanila at mas lalo akong kinabahan nang marealize kong ang champion na pala ang susunod na iaanounce.
Napatingin ako sa gawi nika Blaire at pati rin sila ay natetense na magkahawak pa ang dalawang kamay ni Blaire na astang nagdadasal. Tumingin ako ulit sa M.C at naghintay na sabihin niya na ang winner.
"This is it! The most awaited announcement! Hooo.." Nagpakawala pa ito ng buntong hininga bago tumingin sa card na hawak niya. "The Champion will receive a trophie and the students in this section will receive their very own gold medal and a cash prize worth 20,000 pesos! Who would it be?!" Naghiyawan ang mga students at bawat grupo ng mga estudyante ay isinisigaw ang kanilang mga section.
Ang section namin ay Star Section at ito ang pinakamataas na section sa lahat ng section dito sa university. Patuloy sa pagsigaw ng kani-kanilang section ang mga estudyante na to na halos mamaos na sa kasisigaw.
"The Champion is..." Pabitin naman to tsk. Nagsisigaw na talaga ang mga estudyante dito. "Star Section! Congratulations!"
Nanlulumo namang napatingin saamin ang mga estudyante dito at umakyat naman na kami sa stage para kunin ang napanalunan namin. Hawak ko ngayon ang trophie at sinabitan naman na kami ng medal. Bigla namang may babaeng nakabangga saakin at napatingin naman ako don.
"A-ahh sorry.." Pagpapaumanhin ni Blaire. Napatingin naman ako sa direksyong tinitignan nito ng masama, tinulak siguro to ng mga kaibigan niya.
"Ok lang..tara.." Hinawakan ko ang kamay niya at pumwesto kami sa may gitna ng mga kaklase naming nagkukumpulan sa stage at tumingin sa camera man saka ngumiti. Nakailang kuha ang photographer at bumaba na kami ng stage.
BINABASA MO ANG
In Denial (On-Going)
Genç Kurgu"How can I tell this to her?...I'm not good at confessing things.." A girl named Sophia Blaire Salazar is just a normal student at Xander University. Students from that school doesn't really care about her except for her friends, but not until a boy...
