Chapter 32 : JS Prom

28 2 0
                                    

Blaire's P.O.V

Naistatwa ako dahil sa tanong niya. Oo magkaayos na kami pero hindi talaga sumagi sa isipan ko na magkakagusto siya sakin. Bigla namang umuulit sa utak ko yung sinabi ni Raelynn.

'Wala namang masama kung susubukan mo diba?'

'Wala namang masama kung susubukan mo diba?'

'Wala namang masama kung susubukan mo diba?'

Arghh! Papayag ba ako? Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko ahhhhh! Ayoko pa sanang maligawan eh kaso bakit hindi ko kayang humindi sakanya? Parang umuurong yung dila kong ayawan siya eh, abnormal na ata ako haysss.

"Blaire?" Tawag ulit sakin ni Ethan kaso tinignan ko lang siya. What to do? "Ahh ok lang naman kung hindi ka pumayag na ligawan kita eh..gaya nga ng sabi ko maghihin---"

"Ahh ok lang.." Hindi ko alam kung bakit ko yun sinabi. This is sooooooo awkward.

"H-ha? O-ok lang na ano?"

"N-na....l-ligawan mo ako.." pahina ng pahina kong sabi.

"T-talaga?" biglang lumiwanag yung muka nito at binigyan ko lang siya ng awkward na ngiti.

Bigla niya akong niyakap ng napaka higpit na halos hindi na ako makahinga.

Sinubukan kong magpumiglas sa yakap ni Ethan kaso masyado siyang malakas para sakin. Bigla namang huminto yung mundo ko at bumilis yung tibok ng puso ko. Akala ko sa mga nababasa ko lang 'to nangyayari, hindi ko aklaing mangyayari rin 'to sakin pero...pero bakit sakanya pa? Parang kailan lang eh magkaaway pa kami niyan eh.

Pero mabait nga naman siya. Muka lang kasi siyang masungit, pero feel ko naman ay may soft side rin siya. Siya na rin ang bumitaw sa yakap namin.

"Sorry..nadala lang" paumanhin niya.

"Ahh ok lang hehe.." napayuko naman ako dahil sa hiya.

"Yieeeeeeeeeeee !" napatingin ako sa may gilid at nakita ko ang mga schoolmates namin---wait what? Paano sila napunta dito?

"Thank you nga pala ulit dahil pumayag ka.." nanatili lang akong nakayuko dahil sobrang namumula na ang muka ko. "Let's go?" inilahad niya pa ang kamay niya sakin at hinawakan ko nalang yun at bumalik na kami sa gym.

**

"Ang haba ng hair mo teh!" Pang-aasar pa sakin ni Carl. Nandito na kami sa table namin kanina.

"Bakit nga pala nandoon sa garden lahat ng students kanina?" gusto ko talagang malaman kung paano nila nalaman na may ganoong pangyayari doon sa garden.

"Syempre may nakiusyoso saamin kanina tas ayon kumalat na parang virus eh sa likas na chismoso't chismosa mga schoolmates natin eh." Nako naman nakita pa nila yon aish!

Pero sa totoo lang hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na isang Levi Ethan Villanueva ay liligawan ang isang katulad ko? Wow lang talaga..Kaaway ko lang noon, ngayon manliligaw ko na. Ang weird nga eh, dahil parang meron akong nararamdaman na saya sa pagpayag ko sakanya. Ayy ano ba yan! Kung ano-ano ng nangyayari sakin eh aish! Bigla namang nagchange yung rock music to slow.

"Ahh Blaire..may I have this dance?" Seryoso? Inaaya ako ni Aiden? Teka nananaghinip lang ata ako eh. "Wala naman sigurong masama kung isasayaw kita diba?" Oo nga naman pero parang may inaalala kasi ako..

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon