Blaire's P.O.V
Ilang oras na ang nakalipas simula nung mag-start ang game at wala parin sa mood si Ethan. Pero kahit na nagkaganon siya ay hindi naman naapektuhan yung laro niya at lamang parin sila.
Hindi ko alam kung bakit ako wala sa sarili, minsan nga tinatawag na pala ako ng mga kaibigan ko pero hindi ko ito naririnig maging ang mga hiyawan ng mga estudyate dito ay wala lang din saakin. Nagiguilty parin kasi ako dun sa ginawa ko kanina dahil nakita ko sa mga mata ni Ethan na naapektuhan talaga siya...Bakit ba nagkakaganito ako?! Ugh!
Napapansin kong pagod na sila Ethan at sakto namang nagbreak na muna sila. Pumunta sila sa may gilid ng court at doon nagpunas ng pawis at uminom ng tubig para makapag refresh. Bahagya pa akong nabigla nang pumunta sa pwesto namin si Jackson. Kumindat pa ito kay Raelynn bago lumapit saakin.
'Tss..adik'
Kanina pa kasi yan kumikindat kay Raelynn at ngumingiti pa bawat makakapaghulog ito ng bola..psh, ang corny niya naman tsk. Kanina pa nga naaasar dito si Raelynn tinitiis niya lang talaga yung mga pinaggagawa ni Jackson.
"Oyy Blaire..icheer mo kaya si Ethan, malay mo ngingiti narin yun mamaya.." Suhestion nito.
"Sigurado ka?"
"Oo naman! Yun pa! Baka kahit ngitian mo lang yun eh mawawala na sa isip niya yung ginawa niyo ni Aiden kanina..basta pagdating sayo.." Tumataas pa ang dalawang kilay nito.
"S-sige.."
"Yowwnnn!" Masayang wika nito. "Promise yan ah?! Ichicheer mo siya ha?!"
"Hmm.." Tinanguan ko siya at saka ito bumalik sa mga team mates niya. Bumalik ang atensyon ng mga estudyanteng nagkwekwentuhan sa laro nang pumito ang referee at nagsipunta na sa court ang mga players.
Nasa kalaban nila Ethan ang bola ngayon kaso sumablay ang tira nila at napunta ang bola kila Ethan. Nagulat naman ako nang bigla itong sumulyap saakin at naalala ko naman ang sinabi ni Jackson.
'Oyy Blaire..icheer mo kaya si Ethan, malay mo ngingiti narin yun mamaya..'
Kinuha ko na ang tyansang iyon para icheer siya.
"Go Ethan!!!" Pagpapalakas ko ng loob nito saka ko siya nginitian nang malaki. "Fighting!"
Nakita ko naman ang simpleng pagngiti nito saka shinoot yung bola sa ring at pasok naman ito. Sumalyap ito saakin saka ngumiti. Bumilis naman ang tibok ng puso ko dahil lang doon sa ginawa niya...
'Ano tong nararamdaman ko?...bakit bumilis yung tibok ng puso ko?'
Bahagya ko pang iniyugyog ang ulo ko at hindi na pinansin yung naramdaman ko kanina. Wala lang siguro yon..
Lumipas ang oras at natapos rin ang laro nila. Nanalo sila syempre, may mga babae ring nagsipunta kila Ethan para magpapicture at may iba pang nagpapahug..tss. Ano sila? Artista? Psh hindi naman eh, masyado kayong patay na patay sakanila tsk!
Iniiwas ko nalang ang tingin ko sa gawi nila at tumingin sa blangkong pader sa harap ko. Sandali pa akong nakatulala doon nang may humawak sa balikat ko.
"Blaire.." Lumingon ako dito at paglingon ko ay halos isang inch nalang ang pagitan ng muka namin ni Ethan. Nanlaki ang mata ko pero hindi ko alam kung bakit ako natulala sa mata niya.
Parang nang-aakit yung mga mata niya. Mahaba rin ang mga lashes nito at gwapo talaga siya kaya siguro maraming babaeng nagkakandarapa dito, idagdag mo pa ang messy hair nito and it really suits him, pati na rin ang makinis at maputi niyang balat..buti nalang hindi ako kasali sa mga iyo---
"Ang gwapo ko noh?" Nabalik ako sa hwisyo nang sabihin yon ni Ethan. Nakangisi ito ngayon kaya naman lumayo ako at umayos ng tayo.
"A-anong kailangan mo?" Ayan nanaman..nauutal nanaman ako Aishhh!
![](https://img.wattpad.com/cover/156386770-288-k373535.jpg)
BINABASA MO ANG
In Denial (On-Going)
Teen Fiction"How can I tell this to her?...I'm not good at confessing things.." A girl named Sophia Blaire Salazar is just a normal student at Xander University. Students from that school doesn't really care about her except for her friends, but not until a boy...