Chapter 6

198 11 4
                                    

Blaire's P.O.V

Tapos na ang training namin sa volleyball kaya pumunta muna ako sa rooftop..pero syempre tinuruan muna ako bago maglaro ano pa ba. Psh..Buti nga nagets ko yung mga tinuro sakin eh..pero syempre di parin ako skilled u know.

Pero hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala sa sinabi nung babae kanina..yung Presly daw yung pangalan tsh.

"Ito tandaan mo ha? Layuan mo si Ethan kung ayaw mong masaktan"

Umulit nanaman ito sa ulo ko..Arghh!!

'bakit ko naman lalayuan si Ethan?! EH HINDI KO NGA NILALAPITAN YUN EH!KAHIT NGA DIKITAN YUN HINDI KO PA NAGAGAWA!'

Nakatambay lang ako dun ng biglang may tumawag sa pangalan ko..

"Blaire.." Lumingon ako dun sa pinanggalingan nung boses at nakita ko si Aiden.

"Kanina ka pa diyan?" Tanong ko sakanya.

"Hindi naman..bakit parang ang lalim naman yata ng iniisip mo?"

"Ahh w-wala yun" Saka ko binitawan ang isang pekeng ngiti.

"Eh?"

"Wag mo na ngang intindihin yun tsk!"

"Ok sabi mo eh...BTW, kumusta training niyo sa volleyball ok ba?"

Pagkasabi niya nun ay naalala ko nanaman yung sinabi kanina ni Presly.

"Arghhh! Ano ba!" Napatakip ako sa bunganga ko ng bigla kong isigaw yun.

'Tsk!'

"Ok ka lang ba?" Bakas sa muka niya ang pag-aalala nung itanong niya yan.

"Ahh o-oo"

"Tara sa cafeteria..my treat"

"Eh?!"

"Yup"

"Sigurado ka ah!! Pag yan may bayad...masasapak talaga kita"

"Wag nalang---"

"Tara na!" Hinila ko na siya pababa sa rooftop..sayang yung libre noh

Bumaba na kami sa rooftop at nasa hallway na kami ngayon.

"Ang bilis mo talaga kapag libre eh noh?"

"Syempre naman hehehe"

Kasalukuyan kaming nagkwekwentuhan ng may natapakan akong bagay na naging dahilan kung bakit ako natapilok...pero nasalo rin naman ako ni Aiden.

"A-Aray"

Nasa ganon parin kaming posisyon kaya naman napatitig kami sa isa't-isa..

"Ehemmm" Nagulat kami dun kaya napahiwalay kami sa isa't-isa at tinignan kung sino yun..at bumungad samin si Ethan..Tsk epal.

"Excuse me" Pagkadaan niya sa gitna namin ni Aiden ay binangga niya pa ako.

"Banggain ba naman ako, bastusan?!"

"Oops sorry" sarkastikong sagot nito.

"Woww ang sincere ng sorry mo ah! Bwiset ka!"

"Wag mo ng patulan tara na sa canteen" Sabat ni Aiden.

"Tara na nga badtrip!"

Pumunta na kaming cafeteria pero nag-iinit parin yung dugo ko dun sa gunggong na yon! Aishh!

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon