Chapter 31 : JS Prom

59 3 3
                                    

Blaire's P.O.V

Nagising ako dahil sa alarm ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil iniisip ko talaga kung sino yung nagpadala saakin ng gown. Napatingin naman ako sa gawi jung box at tinitigan yun.

"Kanino ka kaya galing?" Parang tangang kinausap ko yung gown tss.

Bumaba nalang ako at nakisalo kanila mama sa hapag kainan. Sa totoo lang ang boring psh, walang magawaaaaaa..kanina pa ako nakahilata rito sa kama, dito nga deretso ko pagkatapos kumain ag hanggang ngayon binabagabag parin ako ng gown na yun.

Malapit ng gumabi at 7PM dapat nandoon na kami sa school. Woah! Talagang nakayanan kong humiga dun sa kama ng ilang oras noh? Nag-inat na ako at nagprepare ng damit ko saka pumasok sa bathroom.

*KNOCK!KNOCK!*

"Anak, maligo ka na!"

"Opo maliligo na!"

"Bilisan mo at anong oras na baka malate ka" paalala niya pa.

"Opo!"

Naligo na ako at bumaba para kumain ng konti at bumalik narin ako sa kwarto ko para makapag-ayos na. Tumulong narin si manang sakin para mabilis matapos, siya na rin ang nag-ayos ng buhok ko. Light lang na make-up ang nilagay ko dahil hindi rin naman ako sany na may makapal na kolorete sa muka ko noh.

Yung gown na pinadala ay silver ang kulay na parang nagshishift yung kulay niya to blue sa part ng palda at kumikislap din siya dahil sa mga glitters na nakapalibot dito. Tube gown siya. Hindi rin ganun kaarte yung itsura niya. Bumaba na ako pagkatapos kong maghanda.

"Ang ganda ganda naman ng anak ko!" Proud na sabi ni mama.

"Salamat ma.."

"Oh sige na, pumunta ka na kay manong para maka alis na kayo.."

"Bye ma.." Lumabas na ako at inalalayan naman ako ni manong pasakay sa loob ng kotse at pinaandar niya na ito.

Nakasandal lang yung ulo ko sa bintana habang naghihintay na makarating kami sa school. Nang makarating kami roon ay sinalubong agad ako nila Raelynn.

"Aba! glowing ka ngayon teh ah!" pamumuri sakin ni Carl.

"Hindi naman.."

"Psh pa humble ang peg"

nasa labas palang kami ng gym ngayon pero marami ng estudyante sa loob ng gym. Sa may entrance ay parang may pa red carpet pa nga eh. Para feeling artista ganon.

Pumasok na kami at nagulat ako ng may mga sumisigaw ng pangalan ko at may bumabati pa saakin. Binabati ko na rin pabalik yung mga estudyanteng malapit sakin. Ang awkward kaya sa feeling.

"Peymus ka na fren.." bulong sakin ni Shyra.

"Kawayan mo naman daw sila beh..nag eeffrot yung mga tao sa paghiyaw eh.." dagdag pa ni Elyza.

"Ayoko nakakahi----"

"Sige na.." siniko pa ako ni Chloe. Talagang pinagtulungan pa ako ah.

Wala na akong nagawa kundi kumawaysa kanila at mas lalonglumakas yung hiyawan nila. Napayuko nalang ako dahil hindi talaga ako sanay sa ganito. Naman eh!

May nag aassist sa mga students kung saang table sila pupwesto. Nagtungo naman kami doon sa itinuro saamin at umupo na.

"Hi ate Blaire! Ang ganda niyo po" medyo nagulat pa ako nung biglang may sumulpot na estudyante sa gilid ko.

"Ahh s-salamat hehe.."

'Awkward...'

May iba pang lumalapit minsan dito at nakikipag picture and it really feels weird. Ilang minuto lang ang lumipas at mas malakas ang hiyawan ng mga estudyante sa pagkakataon na ito. Yung tipong masisira na yung lalamunan nila....charrr.

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon