Chapter 11

137 9 0
                                    

Blaire's P.O.V

Kakauwi ko lang pero ramdam ko parin ang pagkahilo at medyo masakit parin yung ulo ko..Dahil sa sobrang lasing ko ay hindi ko na magawang umuwi mag-isa kaya hinatid ako ni Elyza..

"Sigurado kang ok ka lang?" Nagaalalang tanong niya sakin.

"Oo.."

"Sure?? Pwede naman kitang ihatid sa loob kung hindi mo pa kayang maglakad.."

"Hinde na..kaya ko to tss ako pa" Pagyayabang ko dito.

"Aba nakuha pang magyabang tsk!" Nakataas ang kilay na wika niya. "Sige na mauna na ako.."

"Balitaan mo ako kung ano nang kalagayan ni Ethan ha?" Pagpapaalala ko dito.

"Sige..bye"

"Bye.." Paalam ko.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at halos matapilok ako dahil medyo nanlalabo ang paningin ko at hindi ko masyado mabalanse ang katawan ko..pagkadating ko sa pintuan ay pinindot ko na yung nagdorbell at bumukas naman ang pinto at inilabas nito si manang..

"Hala! Anong nangyari sayo?!" Tanong niya agad sakin.

"W-wala ho..akyat na ho ako sa kwarto ko.." Pag-iwas ko sa tanong niya, ayoko kasing malaman ni mom na nalasing ako kasi pag nagkataon..napakahabang sermon ang igagawad sakin nun tsk!

"Bakit amoy alak ka?" Biglang tanong ni manang pagkadaan ko sakanya..natigilan naman ako.

'Shit..'

"Talaga po?" Parang gulat pa kunwaring sambit ko na inamoy-amoy pa ang sarili. "Hindi naman ho ah.."

"Sandali nga.." Akmang lalapit na to sakin kaso umilag ako.

"A-ahh akyat na ho ako.." Mabilis akong pumunta sa kwarto at nilock yun.

'Haysss..'

Nagpalit na ako ng damit at isinubsob ang katawan ko sa kama..bakit ba nila ginawa yun? Tss..mga engot din eh, makalipas ang ilang minuto ay biglang nag-ingay yung phone ko kaya kinapa yung mesa upang hanapin yung phone ko at kinuha yun..

Ok na si Ethan..wag ka na mag-alala..

Yan ang message sakin ni Elyza..wala naman akong sinabing nag-aalala ako dun ah? Psh, pero thankful narin ako dahil dumating siya dun kahit nabangasan yung muka niya..

Pero medyo guilty na rin kasi kung hindi niya ako niligtas, edi sana hindi napuruhan yung muka niya tsk! Pero teka...

'Bakit nga ba nandoon yun?!'

Bigla naman akong napaisip..kaso wala akong maisip na dahilan para mapadpad siya dun..




Ethan's P.O.V

Pagkamulat ko ng mata ko ay isang puting kisame ang bumungad sakin..

'Nasan ako?'

Pinakiramdaman ko ang sarili ko at medyo masakit yung kanang parte ng muka ko..Oo nga pala! Gawa to nung lalaki kanina tsk!

'Yung gwapo kong muka puchaaa!!!"

Inalala ko naman ang mga pangyayaring naganap kanina..

F L A S H B A C K...

Habang sinusuntok ko yung isang lalaki ay biglang sumigaw si Blaire..

"Ethan! Sa likod mo!!" Pagkasigaw niya nun ay agad akong lumingon sa likod ko..

Kaso pagkalingon ko ay nasuntok nung isa pang lalaki yung muka ko..masakit yun ah, gaganti na sana ako kaso sinuntok niya naman yung tiyan ko kaya napahiga ako sa sakit nun..

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon