Chapter 19

102 11 1
                                    

Blaire's P.O.V

Nagising ako na masakit parin yung ulo..napatitig ako sa kisame at napabalikwassa kama nang makita yun.

"Nasa clinic ka wag kang OA diyan.." napatingin naman ako dun sa pinanggalingan nung boses na yun.

"Paano ako napunta dito?"

"Dinala kita dito nung makita kitang nawalan ng malay dun sa gym kanina.." Paliwanag ni Ethan.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko. "Bakit ako nawalan ng malay?"

"Natamaan ka ng bola sa ulo.."

"Nakita mo ba kung sino yung bumato?"

"Hinde eh.." Napabuntong hininga naman ako nun..sino namang gagawa sakin nito? Anong nagawa ko sakanya para ganituhin niya ako? Aish! Napahawak pa ako sa ulo ko nung bigla itong kumirot.

"A-ahh.." Medyo nahihilo ako pero ok naman na yung pakiramdam ko.

"Inumin mo daw to sabi ni Nurse KC.." May inabot na gamot at tubig sakin si Ethan at agad ko naman yung ininom.

"Ok ka na ba?"

"Oo.." Napahinto kami sa pag-uusap nang pumasok sa loob ng clinic sila Aiden.

'Lahat sila andito?'

Pumasok silang lahat pati rin ang mga teammates ko, agad namang lumapit sakin sila Raelynn.

"Ano? Ok ka lang ba? May kailangan ka ba sabihi---"

"Ok lang ako.." Pagpuputol ko sa sinasabi ni Raelynn.

"Sigurado ka ah?" Tanong pa ni Elyza.

"Oo nga.."

Ilang minuto ang lumipas at pinauwi narin ako ni Nurse KC at sinabi narin sakin ni Ethan na kailangan ko daw muna magpahinga kahit isang araw lang yun daw kasi ang sabi ni Nurse KC..seriously? Ok na ako, in fact kaya ko na ngang pumasok bukas eh psh.

Napagisipan ko na ring mag back out nalang sa volleyball tutal may time pa naman sila para magrecruit at magtrain ng bagong member eh..kaysa naman may mangyari nanamang ganito dahil sigurado akong sinadya yung ginawa sakin dahil kung aksidente lang yun dapat hindi ganun kalakas yung pagkabato tsk!

"Ako na maghahatid sayo.." Natigil ako sa pagiisip nang magsalita si Ethan at Aiden.

'Here we go again..'

"Wag na..kaya ko naman eh"

"Hinde pwede..baka may mangyari pang masama sayo" Sabat ni Aiden.

"Wag na nga.." Pagpupumilit ko.

"Halika na nga.." Hinila ni Ethan yung braso ko kaso nahawakan ni Aiden yung kabila.

'Pati ba naman paghatid sakin pagaagawan pa aishh!!'

"Sakin siya sasabay.." Wika ni Aiden.

"Wag niyo na kasi ako ihat--"

"Hindi pwede.." Sabay pang sambit nila. Wow ah, kailangan talaga in chorus kayo magsalita? Psh.

"Ihahatid na kita.." Si Aiden.

"Ako ang maghahatid sayo" Singit ni Ethan. Medyo naiirita na ako sa dalawang ito dahil pati kasi paghatid saakin kailangan pang pagtalunan!

"SANDALI NGA!" Inis na talagang sigaw ko. "Aiden, si Ethan nalang maghahatid sakin dahil mas malapit yung bahay namin sa isa't-isa.."

"Pero.." Angal pa nito.

"Sige na Aiden.."

"Fine!" He shouted in frustration. "Ingatan mo siya.."

"Ofcourse.." Nangaasar pang ngiti ni Ethan kay Aiden pero nilagpasan lang siya nito.

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon