Chapter 24 : Sports fest

90 10 2
                                    

Blaire's P.O.V

Pinagtitignan na kami ng mga tao dito dahil nga sa magkahawak naming kamay. Pero hindi lang naman kami ang nabiktima ng booth na yun eh, may mga nadadaanan rin kaming naka posas ang mga kamay at mukang badtrip rin ang mga to.

Sino naman kasing hindi mababadtrip doon diba? Bigla-bigla nalang may maglalagay ng handcuff sa kamay mo ng hindi mo namamalayan. There's this uneasy feeling while we're walking and I hate it. Alam kong nakangiting nakamasid pang saamin ang nga kaibigan namin at ramdam ko ring nakangiti si Ethan at masaya ito sa ginagawa namin habang ako ay nabubwiset.

Habang nagiikot parin kami ay biglang sabay-sabay na nagbeep ang mga phone namin. Agad kong kinuha ang phone ko sa pocket ko saka binuksan kaso lowbat na ito at ayokong madrain yun kaya naman humugot ako ng lakas ng loob para kapalan ang muka kong makitingin sa kung anong kinakalikot ni Ethan sa phone niya.

Napansin niya naman na nahihirapan akong tumingin sa phone niya dahil nga mas matangkad ito saakin psh. Ibinaba niya ng kaunti ang phone niya para matignan ko yun ng mabuti.

'No way...'

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang post ni Shyra. The image that she posted is me and Ethan standing backwards while our hands are intertwined with each other. Gusto ko pa sanang iappriciate yung ganda ng pagkakuha nung picture eh kaso wala eh, agad kong sinugod si Shyra at wala akong pake kung nabigla man si Ethan sa paghila ko sakanya.

"Hoy babae!" Tawag ko kay Shyra at nagulat naman ito saka itinuro ang sarili niya na para bang nagtatanong kung siya ba ang tinawag ko. "Oo ikaw!"

"Oh bakit?" Inosente niya pang tanong.

"Bakit ka nagpost ng ganun?!"

"Huh? What do you mean?" Tanong niya pa! Pasalamat talaga tong babaeng na kaibigan ko siya eh kasi kung hinde baka kanina pa nakalupasay yang katawan niya sa lupa.

"Ito!" Sigaw ko sakanya na ipinakita pa sa mismong muka niya ang post niya gamit ang phone ni Ethan.

"Ahh yan.." Tumango-tango pa ito. "Wag kang mag-alala, hindi naman kayo nakatag diyan eh at malay ba ng mga tao na kayo yan?"

"Kahit na! Dapat hindi mo parin ginawa yun! Idelete mo na kasi!" Utos ko.

"Katuwaan lang yan Blaire, walang malisya pinaalam narin namin sa mga nakakita niyan na hindi kayo.."

"Hindi parin pwe---"

"Hayaan mo na sila.." Natigilan ako nang bigla akong hilain ni Ethan at yakapin. "Nasa tao na kung bibigyang malisya nila yan.."

At that moment, I felt comfort in his arms. Parang ayoko ng bumitaw pa sa yakap na ito, hindi ko alam kung bakit pero tinugon ko ang yakap niya and I rested my head on his chest. Masyado bang PDA to? Nah I don't care basta ang gusto ko lang ngayon ay mayakap ang nilalang na ito.

Naririnig ko pang inaasar kami ng mga kasama namin pero wala talaga akong pake at parang wala akong marinig kung hindi ang mabilis at malakas na pintig ng puso ko. Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon at kumalas narin ako sa yakap namin.

"Gusto mo rin talaga akong yakapin eh.." Pang-iinis saakin ni Ethan.

"W-wag ka ngang feeling diyan!"

"Totoo naman kasi eh." Wow ah! Taas ng confidence!

"Che!" Magwowalk-out sana ako kaso natandaan kong nakaposas pala kami.

"Sige..magwalk-out ka pa tsh" Medyo natatawa pang asar saakin ni Ethan.

Inirapan ko siya at hindi naman na ito nagsalita. Sumusunod lang kami sa kung saan pumunta ang mga kaibigan namin hanggang magstop kami sa isang ice cream stand at bumili naman sila ng ice cream, binilhan narin nila kami at ibinigay yun saamin.

In Denial (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon